IHPA 13

98 9 1
                                    

Her Pov:

Kinabukasan, walang Brikezon akong nakita at nadatnan. Binasa ko nalang ang sticky note na nakalagay sa Island counter.

Hi Love, Good morning! Sorry kong hindi na kita ginising ang himbing kasi ng tulog mo ayaw ko ng makadisturbo. May kailangan lang akong asikasuhin. Kainin mo yang niluto ko at iyung gatas okay? Love you!

(Insert smiley face)

Gusto ko sanang kiligin kasi nag effort siya. Nilutuan at pinagtimpla pa niya ako ng gatas. Ang sweet niya pero yung sinabi niyang may aasikasuhin siya nakakawala ng ganang kumain at nakakasama ng mood.

Lukohin mo na ang iba wag lang ako!

Naiinis na nilukot ko ang sticky note at itinapon sa trash can. Nakakaimbyerna! Kakagising ko lang!

Naiinis na ipinasok ko sa microwave ang pagkain para initin. Pasalamat siya gutom ako kaya no choice ako kundi kainin ang niluto niya.

I was spacing out. Wala pa akong naiisip na paraan para pigilan siya sa pag alis.

As if naman mapipigilan ko siya, gayung mahal niya rin si Brettrian.

Napapikit ako at napabuntong hininga. Nakakainis!


Ang bagal kong kumain!

Alam ko. Sa bawat subo ko kasi ay napapahinto pa ako at napapaisip ng malalim.

Ano kayang aasikasuhin niya? Tungkol ba to sa kasal nila?

"No! It's about business." Ipiniling ko ang ulo.

Wala akong mapapala sa pag ooverthink dito! Kailangan kong malaman kong saan siya pupunta! I can't just stay here at maghintay ng himala na hindi matuloy ang kasal!

Binilisan ko ang pagkain at mabilis na tinapos ang isang basong gatas. Hinugasan ko narin ang pinagkainan ko para naman makatawag na ako kay Jozuke.

Napakagat ako sa ibabang labi ng tinignan ang hangdanan. Walang Brikezon ang mag aalalay sakin at natatakot rin ako na baka makunan ako.

Maraming nangyari sakin. Stress ba kamo, lahat ng stress nasa akin na. Dagdagan pa ng sakit sa dibdib. Sakit sa puso nasa sakin narin. Kulang sa tulog? Present ako diyan.

Napabuga ako ng hangin at sinimulang umakyat sa hangdan. Dinahan dahan ko lang ang pag akyat. Sa bawat tapak ko ay hihinto muna ako ng ilang minuto.

Talagang ibababa ko na lahat ng kakailanganin ko para naman hindi na ako magpabalik balik sa pag akyat at pagbaba.

Nang makapasok sa kwarto ay agad kong hinalungkay ang sling bag ko at kinuha ang cellphone.

"Jozuke..."

"Hey! Uhm, may problema ba?"

"Pupunta si Brikezon sa Japan." Sabi ko dahilan para hindi sumagot ang nasa kabilang linya. "For sure sa Japan ang kasal nila. Umalis nga ng maaga si Brikezon ngayon." Nang walang matanggap na sagot sa kabilang linya ay nagsalita uli ako. "Wala bang sinabi sayo si Brettrian?" Tanong ko.

"No. Wala siyang sinabi sakin." Malumanay sa sagot niya. "But it is possible na sa ibang bansa nga sila magpakasal para hindi malaman ng pamilya mo ang tungkol rito. But i doubt, sikat sila at magleleak sa media na ikinasal na nga sila." Kahit na ilang ulit ng piniga ang puso ko ay syempre ramdam na ramdam ko parin ang sakit. Paulit ulit naman.

Nasasaktan akong isipin yan pero mas masasaktan ako kapag nalaman to ng parents ko. Alam ko kong gaano nila ako kamahal at heto ako naghahabol ng pagmamahal sa isang taong hindi ako sigurado kong mamahalin ba ako pabalik.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon