IHPA 14

72 9 2
                                    

Her Pov:

"Love..." Brikezon called me. I've been ignoring him for a while now.

Kasi naman eh! Wala pa lang kaming isang araw sa resthouse niya tapos ngayon uuwi na kami. Kanina pa ako nagpapadyak dahil gusto ko pa don. Ang ganda ng view! Napakasarap rin maglakad sa buhangin habang sumasalubong sa mukha ko ang hangin, pero masisira lang dahil uuwi na rin kami!

Napaka dilim pa sa daan dahil alas tres palang ng umaga. Maaga niya akong ginising dahil uuwi na raw kami. Sa totoo nga eh, 1 am pa niya ako ginising pero dahil binagalan ko ang pagkilos at pagkain ay 2y mendya na kami nakaalis.

"Promise. Babalik rin naman ako kaagad, pagkatapos pupunta uli tayo sa resthouse." He held my hand but I quickly pulled my hand back so he couldn't touch it. Dahil madilim ay wala akong masyadong naaaninag sa labas, tanging sasakyan lang kasi ang nagsisilbing liwanag namin sa daan.

Talagang kahit anong gawin ko ay tutuloy na siya sa pagpunta sa Japan. Gusto ko pang magstay sa resthouse para makasama siya.

"Importante ba talaga yang pupuntahan mo sa Japan kaysa sakin?" Pilit kong tanong habang nakatingin parin sa labas ng bintana.

I tightened my grip on the fabric of my clothes because after a few minutes he still didn't answer me. I looked up at him and now he was focused on the road and looked very serious. I looked down and regretted what I said.

Ang tanga ko! Alam ko namang mas importante yun sa kanya kaysa sakin! Bakit pa ba kasi ako nagtatanong!?

Ilang ulit akong napabuntong hininga at inilabas nalang ang cellphone para aliwin ang sarili. Dahil liblib ang daan patungo sa resthouse ni Brikezon ay walang signal.

Great!

Ibinalik ko nalang ang cellphone sa shoulder bag at isinandal ang ulo sa bintana. Lumilipad na naman ang isip ko at gumagawa ng mga iba't ibang pangyayari kapag natuloy ang alis niya. Pano na'ko?

I'm trying to get rid of the negative things that are going through my mind. It's not too late! I still have a chance! I will do what Jozuke suggested.

Nang may nakita na akong mga kabahayan ay agad kong kinuha ang cellphone at nagscro-scroll sa facebook. Wala rin naman kasi akong ibang magawa dahil hindi narin ako dinadalaw ng antok. Thanks to him! Na sumira ng tulog ko!

Napahinto ako sa isang video na ipinost ng isang avid fan. Ito iyung concert slash gig nila Louis sa kalsada. Napapangiti ako at nilakasan ang volume ng cellphone para talaga mas marinig ko ang boses ni Louis.

Napakalamig talaga ng boses niya. Hindi kami super close ni Louis pero tinuring ko narin siyang kaibigan. Hindi ko nga alam kong nakatapos ba siya ng pag aaral dahil hindi ko na muli siya nakita.

"Hindi ka ba naririndi sa boses ng lalakeng yan?" Hindi ako nag angat ng tingin at binalewala ang sinabi niya. "Narinig mo na siyang kumanta kahapon, uulitin mo pa." He said with a hint of irritation.

Talagang kahit anong gawin ko ay may sasabihin siya!

"Ano ba!" I gave him a bad look when he suddenly took the cellphone from my hand and quickly turned it off. "What is your problem!?" He didn't answer me so I got even more annoyed with him. His eyebrows met as he looked at the road.

Siya pang may ganang magalit!

Tahimik lang kami sa byahe at dahil sa haba ng biyahe ay nakatulog na ako. Nagising nalang ako ng maramdamang inihiga ako sa malambot na kama. Iminulat ko ang mata at nakita siyang inaayos ang kumot. Nang mapansin niyang nagising ako ay hinalikan niya ang noo ko.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon