IHPA 28

27 7 1
                                    

In His Diary

Hindi na muli siya bumalik. Nagsisisi ako. Nasaktan ko ba siya sa mga pagtrato ko sa kanya kaya hindi na siya bumalik pa rito?

Hindi ko naman talaga sinasadya na pagsarhan siya ng pinto. Sadyang nabigla lang ako sa sinabi niya, hindi ko din maintindihan ang sarili ko kong bakitko 'yun ginawa.

Dumaan ang ilang bakasyon pero walang Roxanne akong nakita. Nilapitan ko na rin ang mama at papa ni Roxanne para tanungin kung kailan makakapunta si Roxanne pero ang sabi nila ay ayaw na raw ni Roxanne na bumalik pa rito sa mansyon.

Nalungkot ako. Syempre. Kahit gustuhin ko pang puntahan ang bayan nila hindi ko magawa. Hindi nga ako pinapalabas ng bahay, paano pa kaya ang pagpunta roon.

MASAYA ako dahil nakakapag aral na rin ako ng parang isang normal na estudyante. Hindi na kasi lumalala ang sakit ko kaya naman pumayag sina Mommy at Daddy na pumasok ako sa paaralan.

Nakapaninibago. Ngayon pa lang kasi ako nakapasok sa isang paaralan. Weird daw ako, sabi nila. Rinig na rinig ko ewan ko ba kung sinasadya nilang iparinig iyon sa akin.


Dumaan ang dalawang taon at wala akong naging kaibigan, mga kakilala lang. Ewan ko ba, naiilang ako sa kanila, hindi ko magawang makipag usap ng matagal. Kaya tuloy wala akong mga naging kaibigan.

Mabuti nga't dumating si Jam. Hindi siya kagaya ng ibang mga kaklase ko. Mahinhin din siya kagaya ko, sa tingin ko nga'y iyon ang naging isang dahilan kong bakit naging magaan ang loob namin sa isa't isa.

MASYADONG naging busy ako. Tinuturuan ako ni Dad sa negosyo. Siguro nga, nasa genes na namin ang pagnenegosyo kaya naman mabilis kong nakuha ang mga itinuturo niya at maagang tinulungan si Dad sa kompanya.

Hindi ako marunong makipag usap sa mga tao lalong lalo na kapag napakarami nila kaya iyon ang pangunahing problema sa akin ni Dad.

Kahit na sobrang busy ko hindi nawaglit sa isip ko si Roxanne. Gusto ko siyang makita kong kaya't hinanap ko ang pangalan niya sa mga social media pero wala akong nakita.

Nakakalungkot. Wala ng kasigla sigla ang mga ipinapaalam ko sayo diary, siguro nga'y kailangan ko ng huminto sa pagsusulat sayo. Salamat talaga Diary.

MATAGAL tagal din simula ng makapagsulat ako sayo Diary. Ewan ko ba pero parang nakita ko si Roxanne.

DIARY, hindi nga ako nagkakamali! Si Roxanne ang nakita ko! Hindi nga mapunit ang ngiti ko sa labi ng malamang magtatrabaho siya rito sa mansyon. Tutulungan niya raw ang mga magulang niya. Nalaman ko ding kaya siya bumalik dahil pumanaw na ang kanyang lola. Dito na rin siya mag aaral kaya naman hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Ang ganda niya sobra...

Mas humubog ang katawan niya't mas lalong tumingkayad ang ganda niya. Nakakainis! Mukhang may gusto iyong anak ng hardenero namin sa kanya. Kaya naman panay ang tutok ko sa kanya kapag nagwawalis siya sa harden. Palagi kasing sumusulpot ang lalaking yun.

DIARY, hindi niya ako pinapansin. Naiinis ako! Hindi niya ako kinakausap! Hindi ko din siya magawang kausapin, natatakot ako.

BADTRIP! walang araw na hindi sinisira ni Brettrian ang araw ko! Parati siyang pumupunta ng bahay kaya tuloy hindi ako makagawa ng paraan para makapag usap kami ni Roxanne.

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon