Her Pov
Kanina pa ako sa coffee shop at nag reresearch sa cellphone ko tungkol sa red tablet na iyun. I don't know, but I think Brikezon is lying to me again.
I also pressed the google lens several times and took a picture of the red tablet in my hand now. Puno na ng search patungkol sa red tablet ang google ko pero maggagabi nalang ay hindi ko parin nahanap ang ganitong klaseng gamot sa internet.
I want to know what kind of medicine Brikezon is taking. I researched what other types of allergy medicine are, but all the medicines I found on the internet were different from what Brikezon was taking.
I sighed and leaned my head on the hand that was resting on the table. Desserts lang ang kinain ko for lunch kaya gutom na ako.
I texted Brikezon earlier that I would just spend time here at the coffee shop but until now I still haven't received a text from him.
Is he busy?
Saan kaya sila pumunta?
Napabaling ang tingin ko sa mga babae na nasa sulok na nakatingin sa akin. Nginitian nila ako kaya nginitian ko rin sila pabalik. Nagtutulakan pa sila hanggang sa pumunta narin sa gawi ko ang isang babae.
"P-pwede pong papicture ate?" Nagulat man ay tumango narin ako.
Nang matapos na kaming magpicture ay sumunod naman iyung iba. Hindi ko alam kong bakit nagpapapicture sila sakin eh hindi naman ako artista.
"Ate! Ang ganda ng art works niyo kasing ganda niya po!" I genuinely smile at her.
"Wow! Thank you!"
"Ate. Married kana po?" Tanong ng babaeng sa tingin ko'y nagtatrabaho sa coffee shop.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Well, natanong niya siguro kasi nakita ko siyang napatingin sa singsing at sa tiyan ko.
Napangiti nalang ako sa kanya at umiling.
"Po? Binuntisan lang po kayo?"
"Akala ko engagement ring yang suot mo Ate." Mahina nalang akong tumawa sa mga tanong nila para ipakitang hindi ako naiilang sa mga binabato nilang tanong.
Naiinis ako kasi hindi ko man lang magawang maamin ang relasyon namin ni Brikezon sa ibang tao.
Natigil lang ang pag uusap namin ng may tumawag sa pangalan ko. Napaangat ang tingin ko at lumawak ang ngiti ko ng makilala ko kong sino ang dumating.
"Dominic!" Hindi ko na kailangan pang tumayo dahil nakalapit na siya sa akin at hinalikan ako sa pingi.
Napatili naman ang mga babaeng kausap ko atsaka nagpaalam para makapag usap kami ni Dominic.
"Wow! May fans kana!" Humalakhak ako atsaka umiling.
"Ganito pala ang pakiramdam kapag may fans ka? Kaya pala tudo pagwapo ka kapag umaalis." Hinawakan niya ang hibla sa buhok ko at inilagay iyun sa likod ng tainga ko.
"Medyo tumaba ka." Sabi niya dahilan para pandilatan ko siya ng mata.
"Di ah!" Tinawanan niya lang ako.
"Kumain kana ba?" Umiling ako sa tanong niya. "Sumabay kana sakin." Napatigil ako at nag iisip kong sasama ba.
Magpapaalam nalang ako kay Brikezon.
Inilabas ko ang cellphone at nagtipa. Maiintindihan naman siguro ni Brikezon kung bakit umalis ako ng bahay. Wala rin naman kasi akong magawa roon.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...