IHPA 04

112 9 1
                                    


Her Pov:

I woke up because I felt something warm coming from behind me. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at napadako ang tingin sa kamay na humihimas sa aking tyan.

"Good morning." Anito at hinalikan ako sa noo.

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya ngayon. Hindi ko alam kong mahihiya ba ako sa posisyon namin sa sofa. Nakahiga kasi siya sa likod ko at hinihimas ang tiyan ko, talagang ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya dahil ang lapit ng mukha niya sa leeg ko.

"Gabi na, wala ka pang kain." Anito at niyakap ako. Tumagal ng ilang minuto ang ganoong posisyon namin bago ko napagpasyahan na umupo. Tumayo si Brikezon upang makaupo ako ng maayos at tinulungan rin naman niya ako. Tumayo ako at nagbabalak na sanang umalis sa salas ng nagsalita siya. "Kumain kana nagluto ako para sayo." Anito. Napahinto ako sa sinabi niya, i really appreciate his effort. This is my dream actually, pinapangarap ko na paglutuan at tipong aalagaan ako ni Brikezon.

"Magbibihis na muna ako." Tanging sinabi ko at nagsimula ng umakyat sa hagdan.

"Sorry, sana ay iyong may elevator na bahay ang pinili ko upang hindi kana mahirapan pa sa pag akyat." He said and I felt his presence behind me.

Kagaya ng ginawa niya kanina ay tinulungan niya akong makaakyat sa hagdan. Sa bawat pagtapak ko ng paa ay nariyan siya upang alalayan ako.

"N-nakakapagod na! Tanging pag aalalay lang ba sa hagdan ang kaya mong gawin? H-hindi mo man lang ba ako bubuhatin?" Naiinis na aniya ko at bahagya siyang itinulak. Gusto kong tawaging joke ang sinabi ko pero may nagsasabi sa kaloob looban ko na gusto kong gawin iyon ni Brikezon.

Napahinto si Brikezon at panandaliang napatitig sa akin, talagang napapaisip kong bubuhatin niya ba ako.

I waited for what he would do next but he just stared at me. Naiinis na naniningkit ang mga mata ko dala narin ng pagkahiya sa sinabi. Sana hindi ko nalamang iyun sinabi sa kanya.

Nasa kalagitnaan na naman kami sa hagdan at malapit na akong makarating sa second floor kaya nauna na ako at iniwan si Brikezon roon.

Nang nasa second floor na ako ay pumasok ako sa kwarto at mabilis na inilock ang pinto.

I quickly turned my gaze and looked for the shoulder bag where the sound I heard was coming from. Alam kong cellphone ko ang nagriring at may tumatawag.

When I got it and saw on my screen who was calling I stopped and hesitated to answer. Hindi ko alam kong ano na naman bang kailangan ni Jozuke at tumawag siya sa akin, malabo namang tutuhanin niya na bilhin ang painting ko gayong naging interesado lang naman siya sa akin dahil sa nalaman niyang asawa ako ni Brikezon.

Asawa? Bakit parang nagdadalawang isip ako na sabihin sa sarili na asawa ko na siya?

"Ang tagal mo namang sumagot!" He said after I answered the call. "Are you done crying?" He asked laughingly on the other line. I wanted to yell at him but I couldn't because Brikezon might hear me."Kung tapos ka ng umiyak papaiyakin pa kita, just click the recording and video that i'll send. Cry well!" Anito at binabaan ako ng telepono.

Kahit may pag aalanganin ay ipinlay ko ang sinend niya at doon ay napaupo ako sa kama at napahagolgol.

'I would like to buy Roxanne Vallico's art works, you see ang ganda ng gawa niya hindi ba?'

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon