Her Pov:
"B-bakit ka nandito?" Napatayo ako at napatingin pa sa paligid dahil baka may makakita sa amin.
"I miss you." I struggled to hide my true feelings. Hindi porque may nararamdaman ako sa lalakeng to ay madali nalang para sa kanya na suyuin ako!? O sinusuyo ba talaga ang ginagawa niya?
"Are you out of your mind?!" Napataas ang boses ko at hinila ang hibla ng t shirt niya para mapalapit sa akin.
"Yeah. Always."
"Brikezon!" Napaindak ako at nagkasalubong ang kilay na nilabanan ang pagtitig niya. "Pano kong may makakilala sayo?! Mahirap na-"
"I don't care." He cut off what else I was going to say. Dumukwang ang mukha niya papalapit sa akin dahilan para maitikom ko ang bibig ko. "Masama bang makasama ko muna ang asawa ko?" Hindi ako makaimik sa sinabi niya.
Ano daw?! Ano to nagka amnesia siya?! Nakalimutan niya bang peke lang ang kasal namin?!
"Hindi mo ako asawa." Malamig na sabi ko atsaka itinulak siya palayo. "A-ang asawa mo..." Napalunok ako at para bang ang hirap bigkasin ang mga sasabihin ko. "... si Brettrian." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Tinitignan ko nalang ang malalakas na pag ampas ng alon.
Walang salita ang namutawi sa bibig niya. Napangisi ako at pilit na tumawa.
"Akala mo hindi ko alam?" Tanong ko. Napaiwas uli ako ng tingin ng tanging pagtitig lang ang isinagot niya sa akin. "Sana... diritsuin mo na lang ako. . Kung wala kang nararamdaman para sakin sabihin mo nalang at pwede ba huwag ka naring gumawa ng mga bagay na nagpapalito lang sakin." Pinagkrus ko ang braso ko habang malayo parin ang tingin.Ang ganda na sana ng view pero sadyang hindi nila gustong magsaya ako.
"Mahal kita-"
"Shut. Up." Nangingilid ang mga luhang tinignan ko muli siya. "Kung puro nalang kasinungalan ang lumalabas sa bibig mo, huwag nalang!"
"S-sorry. Sorry sa lahat lahat. S-sorry kong umalis ako... na iniwan kita. Sorry kong hindi ko kayo naaalagaan ni Baby. S-sorry kong napakawalang kwenta kong tao. S-sorry kong nasasaktan kita. N-naguguluhan lang ako. H-hindi ko alam kong anong gagawin ko. K-kung anong pipiliin ko pero promise Love, sa lahat ng kasinungalingang ginawa at sinabi ko totoong minahal kita." Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakaluhod na siya ngayon sa akin at ilang ulit na humingi ng tawad.
Sa kahit ilang rami pa ng sorry ang sasabihin niya parang ang hirap paring magpatawad, kasi masakit. Hindi na mabilang ang karayum na nakaturok sa puso ko.
"U-umalis ka padin. K-kahit isinugod na ako sa hospital. W-wala kang pakialam sakin."
"K-kailangan kong umalis kaya tumuloy parin ako. I-i don't want to leave you Love, pero kinakailangan, pero bumalik rin naman ako kaagad. N-nandito na uli ako."
"So, kailan ka uli aalis?" Malamig na tanong ko. "Magset ka na ng date para naman ma inform ako palagi. Yan naman lagi ang ginagawa mo, aalis ka tapos babalik ka tas manghihingi uli ng sorry. Ano masarap ba ang bakasyon mo?! Sabihin mo nga, anong klaseng potahi ba si Brettrian kaya-"
"F*ck! No! W-we, I-i, hindi ko kayang gawin yan!" Napasabunot siya sa buhok at mariing napapikit.
Napabuntong hininga ako atsaka naglakad paalis. Mas mabuti sigurong hindi ko na marinig pa ang paliwanag niya dahil hindi ko alam kong may katotohanan ba sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...