Her Pov
"Oh my god!" Matinis na humiyaw si Delaney nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin. Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. "So pretty!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para iharap sa kanya.
Umikot naman ako at nagmamalaking ipinakita ang wedding dress na suot suot ko. Maya maya lang ikakasal na ako!
"Ikaw namili nito?" Manghang sabi niya habang hinahawakan ang mga desenyo ng dress.
"Actually si Brikezon. Tapos alam mo ba, matagal na niya itong pinagawa para maisuot ko sa wedding namin! Oh diba ang sweet sweet niya?!" Pagmamalaki ko pa. Napangiwi siya sabay irap.
"Duh! Mahahanap ko din ang the one ko!" Napatawa ako sa tinuran niya at naupo sa upuan.
Ilang oras din akong inayusan. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti. I'm excited!
Tila ba para akong lumulutang habang naglalakad patungo sa kanya. Wala mang masyadong dumalo sa kasal namin ay wala na akong pakialam doon dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking mahal na mahal ko na naghihintay sa harap.
"Mahalin mo ang anak ko." Narinig kong sabi ni Papa kay Brikezon ng makarating kami sa harapan.
"Opo. I will." Tugon ni Brikezon at nakangiti akong binalingan ng tingin.
Isinukbit ko ang kamay sa kanyang braso at sabay kaming naglakad sa harapan kung saan naghihintay ang pari sa amin.
"Ang layo ng nilakad ko." Mahinang sambit ko sa kanya.
"Napagod ka ba? Gusto mo bang umupo na muna? I can tell father-"
"No. Kahit na napagod ako sa paglalakad, ang sarap naman sa pakiramdam na nakaapak ako sa simbahan para ikasal sayo." Mahina akong napatawa ng makita kong napangiti siya.
Aw. Nagbu-blush!
"Hindi mo alam kong gaano ko hinintay ang pangyayaring ito. Sabihin mo mang cheesy ang mga sasabihin ko ngayon, wala na akong pakialam doon. Makinig kang mabuti, ngayon lang ako magpapakatotoo sa sarili ko." Masuyo niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. "I fell inlove with you at first sight. Nang dinala ka ni Mama sa mansyon at nang makilala kita marami kang binago sa buhay ko. Kahit na palagi lang akong sa bahay at nagmumukmok binigyan mo ng halaga ang buhay ko. I'm sorry sa lahat ng masasakit na sinabi ko sayo, I love you Roxanne. Kahit noong umalis ka sa mansyon at magkalayo tayong dalawa mahal pa rin kita. Walang araw ma lumipas na hindi kita iniisip at walang araw na lumipas na hindi ko hiniling na sana magkita tayong muli. Nang umalis ka sa mansyon, bumalik ang dating Brikezon na ayaw kong maging." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Ang saya ko nga nong bumalik ka at mag-aaral uli sa maynila. Babawiin ko na ang sinabi ko sayo noon, kahit kailan hindi ako naiinis sa bawat paglapit mo sa'kin. Sa bawat love letter at pagbibigay mo sakin ng snacks at sa pasimpleng pagngiti mo I feel like a dumb*ss. Dahil palihim akong napapangiti sayo." Nakangiting tumingala ako ng magsimulang umagos ang luha sa mata ko. "I'm sorry, alam kong ilang ulit kitang sinaktan kaya nga ilang ulit akong nagpapasalamat sayo at sa panginoon na kahit gaano man ako ka g*go minahal mo pa rin ako. I promise, I'll do everything to make you happy. I will make you the happiest woman in the world My love. Now that you're in my arms. I will always love you no matter what."
I cried. I cried hard. Hindi ko aakalaing iiyak ako ng ganito habang nakangiti. Sanay na akong umiiyak pero kakaiba ngayon. Umiiyak ako dahil sa sobrang kaligayahan.
My wedding is so memorable and I will always cherish this.
Matapos kong maihubad ang wedding dress ay maingat ko itong ipinasok sa box. Ilang ulit ko itong tinitigan at hinahangaan. Gusto ko... kung magkakaanak man ako ng babae, gusto kong ito ang isuot niya sa magiging kasal niya.
BINABASA MO ANG
In His Painful Arms
RomanceIHPA: Mrs. Roxanne Vallico Cilligaz. It's a beautiful name and she's very lucky because she just married the owner of the biggest and successful hotel in the world. Ang kanyang asawa ay tinaguriang napaka galing na businessman sa buong mundo na tala...