IHPA 18

75 9 1
                                    

Her Pov

"Ma, pa? Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko ng matapos kaming makapaghapunan. Nasa sofa na ang mga bag nila na may lamang damit.

"Anak, kasi..." Nagkamot ng ulo si Mama dahilan para mas lalong nagkasalubong ang kilay ko.

"Busy kami ng nanay mo, Roxanne." Sagot sa akin ni Papa.

"Oo busy kami!" Pagsang ayon naman ni Mama at ilang ulit na tumango.

I crossed my arms and looked carefully at the two of them who were now looking at me. It seems that they are both hiding something and I am intrigued to know what it is. Mom came to me and held both of my shoulders.

"Alam ko kong gaano kahirap ang pinagdadaanan mo." Bumuntong hininga siya saka ako nginitian. "Pasensya na kailangan lang talaga naming umalis kasi may aasikasuhin rin ako sa palengke."

"Ano bang klaseng paninda ang ibenebenta niyo, ma?" Tanong ko. "Gusto mo tulungan nalang kita? Tara, umuwi nalang tayo. Matagal tagal narin simula ng makapunta ako sa palengke."

"Magpahangin at mag relax ka na muna rito Roxanne." Napabalik ang tingin ko kay Papa na isinukbit na ang bag. "Huwag mo na kaming aalahanin."

Gusto kong sumama pero naiintindihan ko naman kong bakit gusto nilang manatili na muna ako dito.

"Mag iingat ka ha." Tumango ako kay Mama at niyakap silang dalawa bago sila tuluyan ng umalis.

Dahil sa nahihirapan akong maglakad at natatakot ako na mapano ay hindi narin ako pinayagan pa ni Mama at Papa na ihatid sila sa malapit na sakayan, nagrepresenta din si Dominic pero ang sabi nila'y dapat nandito lang si Dominic para bantayan ako.

Nang makaalis sila ay wala akong ibang ginawa. Nagpunta lang ako sa balcony para makalanghap ng simoy ng hangin at para narin mag isip isip pagkatapos ay nang makaramdam ng antok ay natulog.

Nang magising ako ay malapit ng gumabi. Walang ganang tumayo ako at nagpunta sa kusina para makakain.

"Hindi mo'ko ginising!" Nagyayamot na umupo ako sa isang silya.

Pinatitigan ko siyang busyng busy sa kanyang laptop. Napapatitig nalang ako sa bilis ng pagtipa ng mga kamay niya. Parang nagulat pa siya ng makita ako.

"Gising ka na pala."

"Busyng busy ha. Di ako napansin." Nagpuot ako. "Asan ng pagkain?" Tanong ko at mas lalong sumama ang tingin ng wala akong nakita.

"Magpapa order nalang tayo." Sabi niya atsaka isinarado ang laptop. "Napasarap ata ang tulog mo." Tumayo na siya atsaka lumapit sa akin para halikan ako sa noo. Parang may sariling isip ang katawan ko at mabilis na umilag pero alam kong huli na dahil dumampi na ang labi niya sa noo ko. "Kiss lang sa noo iniilagan na." Napailing iling ito at umayos na ng tayo. "Pano pa kaya mamaya na magkatabi tayong matutulog." Ngumisi siya dahilan para mahampas ko siya.

"Che! Anong matutulog mamaya?! Tapos na kong matulog noh kaya hindi na ako matutulog mamaya." Binilatan ko siya atsaka tumayo para buksan ang refrigerator.

Baka may foods pa dito...

Napairap nalang ako ng tumambad sa akin ang laman ng refrigerator. Punong puno ito ng mga mineral water at wala man lang kahit isang pagkain!

In His Painful ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon