KABANATA 6: Warnings in the Shadows

24 1 0
                                        


💎 ISABELLA 💎

Alas-tres na ng madaling araw nang makauwi si Lolo sa kubo. Hindi rin nagtagal, dumating na rin si Ka-Roger para kunin ang mga pinamili ni Lolo sa bayan.

Iyon kasi ang magsisilbing buwis namin sa mga rebeldeng nagtatago sa Balencia. Habang napapakinabangan pa nila kami, hindi nila kami sasaktan.

"Ka-Tasyo, nabalitaan mo na ba ang medical mission sa Sitio Sampaguita?" tanong ni Ka-Roger kay Lolo.

Tahimik lang kaming nakikinig ni Shadow sa usapan nila mula sa ilalim ng kubo.

"Hindi! Magme-medical mission na naman sila dito? Hindi talaga nadadala ang mga taga-syudad na 'yan!"

"Paano naman sila madadala? Mukhang wala naman silang kaalam-alam sa tunay na nangyayari sa bayang ito."

"Si Gobernador... sukdulan na talaga ang kasamaan niya. Gagawin niya ang lahat para mapondohan ang masamang binabalak ng mga rebelde dito sa Balencia."

"Ano ang gagawin natin, Ka-Tasyo? Manonood na naman ba tayo habang may mga buhay na naman na mawawala sa ating sitio? Mga inosenteng doktor at nurse na naman ang mabibihag ng mga rebeldeng ISIS," malungkot na sabi ni Ka-Roger.

Nitong nakaraan lang, sila rin ni Lolo ang naglibing sa mga bangkay ng mga huling hinostage ng mga rebelde. Yung iba sa kanila sinunog na lang.

Sobrang kalunos-lunos ang sinapit nila dito sa bayan namin.

Lalo na yung mga babaeng doktor at nurse.

Hindi ko maatim isipin kung gaano sila pinahirapan bago sila pugutan ng ulo ng mga rebelde.

Nakakatakot ang kasamaan sa lugar namin.

"Hanggang kailan ba tayo magsusunod-sunuran sa kanila, Ka-Tasyo?" tanong ni Ka-Roger.

"Hangga't wala pa tayong magagawa para lumaban sa kanila, Ka-Roger. Kailangan muna nating sumunod para sa kaligtasan natin."

"Wala ba tayong magagawa para hindi matuloy ang medical mission nila dito? Hindi ba natin sila pwedeng bigyan ng babala para huwag na silang tumuloy?"

"Mainit ang mata nila sa atin. Alam kong may mga mata sila mula pa lang sa simula ng medical mission. Hindi tayo basta-basta makakalapit sa mga doktor at nurse para kausapin sila."

"Ano ang gagawin natin? Siguradong magiging madugo na naman ang Gubatnon sa mga susunod na araw."

Saglit na natahimik si Lolo bago siya nagsalita.

"Mayroon akong kaibigan sa Sitio Dahlia. Pupunta ako sa kanila ngayon. Susubukan ko siyang kausapin na bigyan sila ng babala. Sana makinig sila at huwag nang tumuloy dito sa Sitio Waling-Waling."

"Tama ka, Ka-Tasyo. Ligtas sila sa Sitio Sampaguita dahil maraming militar na nakabantay doon. Ngunit kapag nagtungo sila dito sa sitio natin... madali silang madudukot ng mga rebelde."

"Kaya humayo ka na. Ihatid mo na ang mga gamot at gamit sa kuta nila Cobra. At subukan mong magmanman sa kanila. Baka sakaling malaman natin kung ano ang binabalak nila sa medical mission."

"Mag-iingat ka sa lakad mo, Ka-Tasyo. Babalik ako rito kapag may dala na akong balita."

"Ikaw rin, mag-ingat ka, Ka-Roger."

Hindi nagtagal ay umalis si Lolo.

Mag-aalas singko na ng umaga.

Mahinang umiyak si Shadow.

Kapag ganun siya, ibig sabihin nag-aalala siya para kay Lolo Tasyo.

"Shadow... gusto ko silang tulungan."

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon