KABANATA 29: 30K Groceries, Bubble Gums, and Emergency Texts

16 2 0
                                        


⚜️Alia⚜️

Sobrang pagod na talaga ako gabi galing sa straight 16-hour shift ko. Pagdating ko sa dorm, deretso na ako humiga sa kama dahil hindi ko na talaga kaya ang pagod at antok.

Ngayon ko na lang chichikahin si Bella sa date nila ni Kendrick kagabi. Hindi ko naman siya pinapagawa ng errands ko kahapon kasi puwede ko naman gawin yun ngayon. Mamayang gabi pa kasi ang next shift ko.

Pero ewan ko sa kanila bakit sila na nag-grocery at nagpa-laundry.

Magluluto muna ako ng breakfast. Bumangon ako at inayos ang higaan bago tumungo sa maliit naming kusina.

Pagbukas ko ng ref, bumungad sa akin yung sobrang daming laman. Parang puputok na nga sa dami ng pinilit ipagkasya sa loob.

"Good morning, Ali! (^__^)" bati sakin ni Bella.

"Nag-waldas na naman si Kendrick ng pera kagabi, noh, Bells? Hindi na kayo naawa sa refrigerator ko. Ginawa niyong Tetris battle pag-salansan ng laman! (T_T)"

"Pinagsabihan ko siya, Ali, pero ayaw makinig eh," paliwanag ni Bella.

Knowing Kendrick, wala lang talaga sa kanya mag-waldas ng pera.

"Magkano naman nabayaran niyo dito kagabi?"

"30 thousand," sagot niya. Narinig niya raw mula sa cashier.

"Anooo!!! 30K? Para sa groceries? Ano, magtatayo na ba ako ng tindahan dito?"

"Sabi ko nga yan kay Ken, kaso ayaw talaga papigil eh."

Sanaol talaga mayaman siya. Sa tala ng buhay ko, ngayon ko lang narinig na worth 30K ang groceries. Pwede na yun pang debut birthday party!

"Card lang naman daw, eh. Kaya okay lang daw, Ali."

"Ano pa nga bang magagawa ko, nandito na eh. Anong gusto mong breakfast, Bells?"

"Kahit anong gusto mo lutuin, Ali. Okay na ako dun."

Chineck ko ang laman ng freezer sobrang dami ng karne, frozen goods, at may seafood pa.

May nakita akong malaking pack ng bacon, kaya iyon na lang ang lutuin ko. Medyo matagal na rin akong di nakakaulam nito. Mag-egg fried rice nalang din ako at prito ng spam.

Puro pang-mayaman itong pinagbibili ni Kendrick eh. Siguro ginaya niya ang lifestyle nila sa pag-grocery para sa amin.

Tinulungan ako ni Bella mag-prepare ng mga rekados, kaya mabilis akong nakahain ng breakfast namin.

"Bells, dali tikman mo, masarap 'to!" nilagyan ko siya ng bacon at spam sa plato.

Binigyan ko rin si Shadow ng dog food para sabay-sabay kaming kumain.

Ewan ko ba, saya lang talaga ang nararamdaman ko ngayon kasama sila ni Bella at Shadow sa kwarto ko. Minsan kasi ang lungkot umuwi at kumain dito mag-isa. At least ngayon may kasama na ako.

"Grabee, ang sarap, Ali. Anong tawag dito? Mahal ba 'to? Parang pang-mayaman yata tong ulam eh."

"Bacon at Spam yan, Bells. Tungkol sa presyo, wag na natin isipin basta may tropa tayong yayamanin. Goods na yun (^__^)"

"Ang sabi nga ni Kendrick, bakit ka daw nagrereklamo eh siya naman daw magbabayad, Ali (^__^)"

"Sabagay, may point naman siya. Sige, next time shatap na lang ako, Bells."

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon