KABANATA 37: The rescue mission

14 1 0
                                        

⚜️ Keelan ⚜️


Mga alas kwatro ng gabi nang marinig ko ang warning shot mula sa loob ng lunga. Hudyat na nagawa ng maayos ng bata ang pinapagawa ko sa kanya.

Dala ang assault rifle, maingat akong pumasok sa loob.

Napaka-pulido ng pagkakahukay nila Cobra sa hideout. Para akong pumasok sa colony ng langgam sa ilalim ng lupa napakaraming maliit na tunnel na nagsasanga. At tamang-tama lang para sa tao na makagalaw at makalakad.

Para nga akong nasa loob ng minahan ng ginto.

Habang lumalalim ako, nakita ko ang iilang tauhan ng kilusan na nakabulagta, wala nang malay.

Smirk.

Mautak man kayo, naisahan lang kayo ng isang bata. Sobrang epektibo ng gamot na ibinigay ni Aden sa kanila.

Bawat madaanan ko, tinatalian ko ng nylon cable at sinisigurong mahigpit—kahit magising sila, hindi sila makakatakas.

"Sir Keelan!" bati ng bata sa akin.

"Bata... si Cobra!"

"Nasa lunga niya po, pero di ako sigurado kung wala na rin siyang malay."

"Sige, tulungan mo akong itali sila," turu-turo ko sa kanya kung paano gamitin ang nylon cable.

Matapos masigurong nakatali ang lahat ng miembro ng kilusan:

"Pakawalan mo ang mga kasamahan mo at lumabas na kayo rito, bata. Ako na ang bahala kay Cobra."

"Sige po, Sir. Pero mag-iingat po kayo. Sundan niyo lang po ang tunnel na ito—sa dulo ang lunga ni Boss Cobra." Agad siyang tumakbo sa ibang direksyon.

Sinundan ko ang tunnel. Bumungad sa akin ang walang malay na bantay sa labas. Tinalian ko rin sila ng nylon cable bago pumasok.

(-__-)

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.

Nakita ko si Cobra, nakabulagta at walang malay, katabi ng bote ng alak. Napakadali mo namang nahulog sa kamay ng otoridad, pinuno ng kilusan.

Nilapitan ko siya at sinapok sa ulo—masiguro na tulog nga siya. Pagkawalang reaksyon, agad ko siyang tinalian ng nylon cable.

Gustong-gusto kitang patayin, Cobra. Pero may batas tayong magpaparusa sa mga tulad mo.

Limang malalaking nylon cable ang tinali ko sa kanyang mga kamay. Kung may dala lang akong posas, poposasan ko din siya. Mahirap na baka makawala pa.

Nilibot ko ang paningin ko at napansin ang isang babaeng nakayuko sa sulok, may pasa sa kamay at paa. Mukhang minaltrato siya at pinagsamantalahan.

Lumapit ako, pero natakot siya at lalong sumiksik. Walang salitang lumalabas.

"Wag kang matakot. Hindi ako masamang tao. Hindi kita sasaktan. Ilalabas kita rito," mahinahon kong sabi.

Ngunit nakayuko lang siya, at tanging iyak lang ang naririnig ko.

"Sige, hindi kita hahawakan, pero pag nakaalis na tayo... lumabas ka rito." Wala pa ring tugon.

Kaya binalikan ko na lang si Cobra sa higaan at binuhat palabas ng lunga.

Pagkalabas namin, saktong dumating ang mga Scout Ranger at militar. Kahit ayaw kong magpatulong, wala akong tiwala sa kanila, pero kailangan kong sundin ang protocol.

"Captain Arellano! Kami na po ang bahala kay Cobra!"

"No! Ako ang maghahatid sa kanya sa HQ. Marami pang miembro ng kilusan sa loob," mariin kong sagot.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon