⚜️ Third Person ⚜️
Puno ng takot at kaba ang dibdib, ngunit bumalik pa rin sa lunga ng mga rebelde ang bata na kinatagpo ni Capt. Arellano. Tahimik siyang kumikilos, habang si Keelan ay matiyagang nagmamasid sa labas, naghihintay ng tamang oras para lusubin ang lugar.
Pagbaba ng bata sa butas, muli niyang binaybay ang makipot na daanan sa ilalim. Para itong isang lumang tunnel sa pagmimina ng ginto, isang main tunnel na nagkokonekta sa iba't ibang maliliit na daanan papunta sa mga kweba na nagsisilbing silid ng mga rebelde.
Ang buong lunga ay mistulang isang colony ng langgam sa ilalim ng lupa. Bawat bahagi ng kilusan ay may kanya-kanyang maliit na silid, habang ang pinakamalaking man-made underground chamber ang nagsisilbing tirahan ni Cobra.
Kasama ang ilang kababaihan na ginagawa niyang personal na tagapag-aliw.
Bitbit ang alak, binaybay ng bata ang pamilyar na daan papunta sa silid ni Cobra.
Palihim niyang naihalo rito ang gamot na ibinigay ni Keelan. May itinago rin siyang ilang syringe na may anesthesia sa garter ng suot niyang jogging pants. Ang ibang gamit ay itinago niya sa ilalim ng kanyang higaan.
"Huwag kang matakot... kailangan mong mailigtas ang kapatid mo," paulit-ulit niyang bulong sa sarili habang papalapit sa silid.
Kailangan mong gawin ito ng tama.
Natanaw niya ang mga tauhan ni Cobra na nagbabantay sa labas nag-iinom, nagyoyosi, at nag-uusap tungkol sa kung sino na naman sa mga bihag ang pagdidiskitahan nila ngayong gabi.
Nagdilim ang paningin ng bata nang marinig niya ang pangalan ng kanyang kapatid.
Umayos ka. Hindi ka pwedeng magkamali. Ito na lang ang pagkakataon ninyo para makatakas sa impyernong ito.
"Oh! Nandito na pala ang alak! Ang tagal mo naman, bata!"
"Pasensya na po, Boss. Nag-iingat lang para hindi tayo matunton," maingat niyang sagot.
"Sige na! Dalhin mo na kay Boss. Kanina pa 'yon naghihintay!"
Pinadaan siya ng mga ito.
Pagpasok niya sa loob
Nakita niya si Cobra.
May babae na naman itong pinipilit bahagyang mas matanda sa kanyang kapatid. Walang pakialam si Cobra sa impit na iyak at pagsusumamo nito. Nakatuon ang baril sa tagiliran ng babae, dahilan para wala itong magawa.
Sanay na ang bata sa ganitong eksena.
Pero hindi kailanman nawala ang galit at pagkasuklam sa dibdib niya.
Kung kaya ko lang... ako na mismo ang papatay sa halimaw na 'to.
"Pinuno... narito na po ang alak ninyo."
"Sa wakas! Salinan mo ako, paborito kong utusan."
Agad niyang sinunod.
Sa gilid, pilit tinatakpan ng babae ang sarili.
"Wag! Hindi pa ako tapos sa'yo! Iinom lang ako... tapos magsisimula ulit tayo!" humalakhak si Cobra malademonyo at nakakakilabot.
Napapikit ang babae, umiiyak.
Tiisin mo lang... matatapos na ito ngayong gabi.
Isa...
dalawa...
tatlo.
Tatlong baso ang sunod-sunod na ininom ni Cobra.
Lihim na napangiti ang bata.
Hindi magtatagal... tatama na ang gamot.
Mabilis siyang umatras papunta sa sulok.
"May ipag-uutos pa po ba kayo, Pinuno?" tanong niya.
Halatang lasing na si Cobra.
"Wala na... pero dalhan mo ng alak ang mga bantay sa bihag."
Agad siyang sumunod.
Bitbit ang mga bote, nagtungo siya sa bahagi kung saan nakapwesto ang mga bihag—mga matatanda at bata, nakaupo sa lupa, takot na takot, halos hindi na makakain at makatulog nang maayos.
"Hoy! Kumuha ka ng pulutan! Bilis! Kanina pa kami gutom!" sigaw ng isang bantay sabay hampas sa batok niya.
Napangiwi siya, pero hindi umimik.
Palihim niyang tiningnan ang mga bihag.
Konting tiis na lang... makakaalis din tayo dito.
Iniabot niya ang alak.
Isa-isa, nagsimula na silang uminom.
Muling sumilay ang pag-asa sa mga mata ng bata.
Sir Keelan... nagawa ko na.
Hindi lang sa alak niya inihalo ang gamot pati sa tubig na iniinom ng mga rebelde.
Sinigurado niyang walang makakaligtas sa epekto nito.
Pagkatapos ihatid ang pulutan, bumalik siya sa labas ng silid ni Cobra.
Tahimik siyang naupo sa gilid.
Naghihintay.
Naghihintay na isa-isa silang bumagsak.
Naghihintay ng tamang sandali
Para ibigay ang hudyat.
Para matapos na ang impyernong ito.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)