⚜️ Bella ⚜️
Almost 5 AM na ako nagising. Nadatnan ko si Alia na nagpe-prepare na ng pagkain niya for work.
"Good morning, Ali. Akala ko ba kagabi yung shift mo?" tanong ko sa kanya.
Kumuha na rin ako ng sandwich na ginawa niya. Masyado pa kasing maaga para mag-breakfast.
"Nakipagpalit muna ako ng shift. May importante kasing ganap kanina."
"Tungkol ba 'to kay Keelan? Nasaan na siya? Hindi ba siya pupunta rito, Ali?"
Gusto ko kasing makita si Keelan, makibalita tungkol kay Lolo at sa mangyayari sa Gubatnon.
"Gustuhin man niyang bumisita dito, masyado silang nag-iingat, Bells. Ayaw niyang ma-compromise ang safety mo. Hindi natin alam, baka masundan siya at malaman nilang buhay ka. We're just protecting your identity."
Palagi silang ganito. Inuuna ang safety ko. Sinisigurado nilang ligtas ako.
Hindi ko nga alam kung bakit nila ginagawa lahat ng 'to para sa'kin.
Pero sobrang nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko sila.
"Wala bang ibang sinabi si Keelan, Ali? Sabi niya magte-text siya, diba? Ano daw ang kailangan niya?"
"It's alright, Bells. Nakuha na niya lahat ng kailangan niya. Tinulungan siya nina Kendrick at Aden. Wala ka nang dapat ipag-alala."
Napansin kong hindi siya makatingin sa'kin nang diretso.
"Ali? May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"
Mukha kasi siyang hindi mapakali.
"No, Bells. I'm just worried about Keelan."
"Bakit? May mangyayari ba?"
"Alam ko he's up to something. Hindi naman siya luluwas dito kung wala. Nag-aalala ako kung anong binabalak niyang gawin. I'm worried he might get hurt."
"Baka nakakalimutan mo, Ali... si Keelan ay Captain ng Scout Ranger. Kaya niyang protektahan ang sarili niya. Huwag ka nang mag-alala."
"Alam ko naman 'yon, Bells. Pero kilala mo rin kung sino ang tinutugis niya sa Gubatnon. Kapag nahuli siya ng mga 'yon... hindi nila siya bubuhayin."
Matagal ko nang napapansin kahit noong nasa kweba pa kami kung gaano siya mag-alala kay Keelan. Ayoko lang bigyan ng kahulugan noon, baka mabait lang talaga siya.
Pero ngayon... kitang-kita ko sa mga mata niya.
Hindi lang ito simpleng pag-aalala.
"Ali...?"
"Hmmm..." sagot niya habang nagsasandok ng kanin sa plato.
"May gusto ka ba kay Sir Keelan?"
Bigla siyang natigilan at tumitig sa'kin.
"Ha?"
"May gusto ka ba kay Captain Arellano?"
"Halata ba?" mahina niyang tanong.
"Medyo. Sa kanya ka lang naman nag-aalala nang ganito."
"Hindi ko alam, Bells... pero lately, palagi akong nag-aalala sa kanya. Natatakot akong may mangyaring masama sa kanya."
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya? Baka may gawin siya para hindi ka na mag-alala."
"Bells... guys like him don't have time for this. Kilala mo naman si Keelan, diba? Para sa kanya, trabaho at misyon lang ang mahalaga."
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)