Kabanata 49: Parallel Scene

8 2 0
                                        


(Bella – Philippines )

Isabella's P.O.V

Madaling araw sa PMA.

Makapal ang hamog sa paligid ng parade grounds.

"Cadets! Fall in line!"

Malakas ang sigaw ng training officer habang isa-isang pumipila ang mga bagong kadete.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Ito na.

Ito na ang bagong buhay ko.

Isang hakbang palayo sa dating Isabella.

Isang hakbang palayo sa sakit.

"Cadet Isabella Reyes!"

"Yes, Sir!"

"Welcome to the Philippine Military Academy."

Kendrick's P.O.V

Sa kabilang panig ng mundo...

Umuulan sa Berlin.

Nakaupo ako sa loob ng lecture hall ng ESMT Berlin habang nagsasalita ang professor tungkol sa corporate finance.

"Mr. Razon, can you explain the market expansion strategy?"

Hindi ko narinig ang kalahati ng sinabi niya.

Tumayo ako.

"...International acquisition, sir."

Tumango ang professor.

"Good."

Pero wala akong narinig sa klase.

Hindi ko alam kung anong sinasabi nila.

Ang naiisip ko lang...

si Bella.

Isabella's P.O.V

"Fifty push-ups! Now!"

"Sir, yes sir!"

Sumubsob ako sa lupa kasama ng ibang cadets.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Sumasakit na ang braso ko.

Pero hindi ako titigil.

Hindi ako susuko.

Para makalimutan ka.


Kendrick's P.O.V


Binuksan ko ang laptop ko sa dorm.

Tahimik ang room.

Malamig.

Parang walang buhay.

Sa wallpaper...

isang picture.

Ako.

Si Bella.

At si Shadow.

Kinuha ko ang frame.

"Damn it..."

Pinikit ko ang mata ko.

"Bella..."


Isabella's P.O.V

Gabi na.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon