Bella
Habang nasa truck, pilit kong nire-revive si Kuya Butler. Pinipilit kong alalahanin lahat ng tinuro kay Alia kung paano iligtas ang buhay ng tao.
Natatakot ako, baka hindi na kami makaabot sa hospital.
Kasalanan ko talaga ito. Dahil sa akin, napapahamak sila... nalalagay sa peligro ang mga buhay nila.
Sana hindi na lang ako pumunta rito sa Valencia. Sana nanatili na lang ako sa Gubatnon. Sana hindi na lang ako sa kubo ni Lolo.
At sana, hindi ko sila nakilala.
"I know what you're thinking, Bells. It's not your fault. Walang may gusto sa nangyari. Don't worry. My Butler will be alright. We're gonna reach JMC in no time," sabi ni Kendrick.
Sobrang bilis ng pagmamanman ng truck niya parang paliparin lang.
"Kuya... please, wag kang susuko. Malapit na tayo," pinipigilan kong umiyak.
Alam kong natatakot din siya para sa buhay ni Butler. Nanginginig pa nga yung kamay niya sa manibela.
Parang kapatid na niya si Kuya Butler... matalik na kaibigan. Kaya sobra rin ang takot na nararamdaman niya ngayon. Hindi lang niya ito pinapakita para hindi ako lalong mag-alala.
Gusto kong pabilisan ang oras para makarating na kami sa JMC... para magamot na agad si Kuya.
Lord, tulungan niyo po si Kuya Butler. Iligtas niyo po ang buhay niya. Nagmamakaawa po ako sa inyo.
Niligtas niya po ako nung kinidnap ako ng mga kalaban. Mabuti po siyang tao. Parang awa niyo na tulungan niyo po siya.
Pangako po... pag nakaligtas siya, lalayo na ako sa kanila. Uuwi na ako kay Lolo sa Gubatnon. Para maiwas na po silang mapahamak dahil sa akin.
Pangako po.
---
Pagkarating namin sa emergency entrance ng hospital, may nakaabang na agad na mga nurses at doctors na may stretcher. Agad nag-park si Kendrick sa harap.
Dadali siyang bumaba para buksan ang pinto ng truck. May pulso pa si Kuya, pero mahina. Hindi ako tumigil sa pag-pump sa kanya.
Pinagtulungan naming ibaba si Kuya Butler at isakay sa stretcher. Tinakbo na siya sa loob ng hospital. Tinulungan ako ni Kendrick na bumaba sa truck—nangangalay na ang mga braso ko at parang dumidilim ang paningin ko.
"He's gonna be okay, Bells. Don't worry... nandito na tayo sa JMC," sabi niya.
Pumasok kami sa loob ng hospital. Umupo muna ako sa bench... hindi ko na kaya.
"Sir, pa-fill up lang po nito. Patient information," tawag ng nurse sa triage.
"Are you gonna be okay? Babalik ako agad, Bells," worried na tanong niya.
"Okay lang ako rito. Magpapahinga lang saglit, Ken."
Napatingin ako sa mga kamay ko... punong-puno ng dugo. Mga dugo ni Kuya Butler na natuyo na sa kamay at damit ko. Mukha akong galing sa giyera at himalang nakaligtas.
Ilang buhay pa ba ang makakalas para lang matapos itong masalimoot kong nakaraan? Akala ko maayos na lahat... masaya na ako rito, kasama ang mga kaibigan ko. Pero hindi pala. Panandalian lang pala lahat.
Ipinapamukha ng kapalaran na walang karapatan maging malaya at masaya ang isang kagaya ko.
"He's already inside the operating room, Bells. They're doing their best to save him. All we have to do is wait and trust them," sabi ni Kendrick.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)