Kendrick's POV
Tahimik ang private suite ng lolo ko.
Tanging tunog ng heart monitor ang maririnig sa buong kwarto.
Nakatayo ako sa tabi ng kama niya habang pinagmamasdan siyang muling ipikit ang mga mata sandali. Halata pa rin ang panghihina niya matapos ang nangyaring ambush sa Davao.
Pero isang bagay ang malinaw buhay siya.
At may utang na loob kami sa isang taong hindi namin kilala.
"The soldier..." mahina niyang sabi habang muling dumilat.
"Did the security team find her?"
Umiling ako.
"Not yet."
Huminga siya nang mabigat.
"I want to thank her personally."
Tumango ako.
"And you will."
Napahigpit ang kamao ko.
"I promise, Grandpa. Hahanapin ko siya."
Ilang oras ang lumipas
Security Office – JMC
Nakatayo ako sa harap ng malaking monitor habang pinapanood ang footage mula sa ambush site sa Davao.
Naroon ang head of security ng lolo ko.
"Sir, ito lang ang malinaw na nakuha namin."
Lumabas sa screen ang video. Madilim ang kalsada. May convoy.
Then...gunshots.
Biglang nagkagulo ang footage. May mga armadong lalaki na lumabas mula sa gilid ng kalsada.
Ambush.
Nanikip ang dibdib ko habang pinapanood.
Then suddenly, may isang pigura na tumakbo papasok sa frame.
Isang babae.
Naka military combat uniform. May tactical vest. Nakasuot ng black mask.
Mabilis ang galaw niya. Professional. Precise. Parang sanay na sanay sa labanan.
"She came out of nowhere, sir," sabi ng security officer.
Pinanood ko habang mabilis niyang pinatumba ang dalawang attacker, then tinulungan niyang mailabas ang lolo ko mula sa sasakyan. Isa pang attacker ang lumapit, pero bago pa ito makaputok... nabaril na niya.
Tahimik ang buong kwarto habang pinapanood namin.
Then nakita ko ang isang eksena na nagpahinto sa paghinga ko. Lumapit siya sa lolo ko. Saglit niyang hinawakan ang balikat nito, parang sinisiguradong buhay pa. Then, tumayo siya at naglakad palayo. Hindi man lang hinintay ang pasasalamat.
"After that, she disappeared," sabi ng security officer.
"Parang multo."
Napakunot ang noo ko.
"Did the military identify her?"
Umiling siya.
"We contacted several units stationed near the area. Wala daw sa records."
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)