KABANATA 18: First Mall Trip

21 2 0
                                        


⚜️Bella⚜️

Matapos maakyat ng mga lalaki yung bed na sinabi ni Ali, tinulungan ko siyang ayusin at ipwesto yung kama na hihigaan ko. Mabuti na lang medyo malaki itong kwarto niya kasya pa din kahit nagdagdag kami ng isang kama.

"Sure ka ba talaga na okay lang na nandito ako, Ali?" Hindi ko maiwasang isipin na sobra-sobra na yung tulong na binigay nila sakin.

"Oo naman!! Excited nga ako eh. Ang tagal na kaya nung huling may kasama ako dito sa kwarto."

"May kasama ka rito dati?" tanong ko sa kanya.

"Oo, mga nursing student kami dito. Apat kami nakatira dito kasi double deck yung kwarto noong college ako."

"Nasaan na sila ngayon? Hindi na kayo magkasama?"

"Hindi na. Mas gusto nila mag-practice ng nursing sa lugar nila eh. Tapos naiwan ako dito, ako lang kasi ang na-absorb ng JMC pagkatapos namin mag-OJT dun."

"Pero friends pa din kayo kahit malayo na kayo sa isa't-isa, diba?"

"Oo naman, may contacts pa din kami. Minsan nagcha-chat at video call, ganun, pag hindi busy sa work."

"Buti naman kong ganun, Ali," sabi ko habang inaayos yung punda ng unan na binigay niya sakin.

"Ikaw ba, may mga friends ka dun sa Gubatnon, Bells?" biglang tanong niya.

"Dati meron, pero ngayon hindi ko na alam eh."

"Hah? Pwede ba yun? Bakit, nasaan ba sila?"

"Ewan... yung iba siguro patay na, yung iba nasa kilusan na, at yung iba baka lumayo na."

"Ang scary talaga ng place na yun, Bells. Jusko. Everytime na may medical mission dun, lagi maalala ko talaga. Nakaka-trauma. Hindi ko nga alam kung makakasama pa ako sa mga outreach program ng JMC sa mga susunod na panahon."

"Ang importante, ligtas tayo. Nakaalis tayo dun, Ali."

Hindi lang trauma ipapakita sayo ng lugar na yun kung paano mamuhay sa imperno.

"Hala shucks! Nakalimutan ko... isa lang pala comforter ko dito," worried na sabi niya sakin.

"Hindi okay lang sakin. Kahit jacket or towel nalang ang ikumot ko, Ali. Wag ka nang mag-alala."

Natiis ko na nga lamig sa basement at kweba ng ilang taon, diba? Ito pa kaya.

"Ay nako! Hindi pwede, magagalit yung boys sakin. Bumili nalang tayo, maaga pa naman eh. Ano, game ka?"

"Mamili saan?"

"Sa mall, may malapit naman dito sa dorm, isang sakay lang ng tricycle. Tapos mag-grocery nalang tayo para may pagkain din tayo dito." Excited na sabi niya.

Bigla akong kinabahan sa gusto ni Ali.

"Pwede ko bang gawin yun? Pwede ba akong lumabas dito, Ali?"

"Syempre OO! Hindi ka naman preso dito, diba? Kaya, tara na!"

"Wala akong daming panglabas eh," pagdahilan ko sa kanya.

Kahit na ang totoo, natatakot akong lumabas. Sobrang tagal na nung makapunta ako sa mall na sinasabi ni Ali. Natatakot ako na baka makasalubong namin dun yung mga tauhan ni Cobra o baka may makakita sakin at mag-report sa kilusan.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon