Bella's POV.
"Shadow naman eh..."
Mahina pero may halong inis ang boses ko habang naglalakad kami palabas ng park.
Sa dami naman ng taong puwede makakita sa kanya... si Kendrick pa talaga.
"Sa dinami-dami ng taong makakahanap sayo..." napailing ako habang hinahawakan ang leash niya.
"Si Kendrick pa talaga."
Tumingin sa akin si Shadow, at parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Mahina siyang tumahol.
"Arf. Arf. Arf."
Napabuntong-hininga ako.
"Alam ko naman, namimiss mo siya..." sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.
Saglit akong tumigil sa paglalakad.
"...ako din naman."
Mahina ang boses ko nang sabihin iyon, pero agad akong napailing.
"Pero kasi, Shadow..." bulong ko habang naglalakad ulit,
"Hindi pa ako handang kausapin siya."
Tahimik ang kalsada, naglalaro ang mga ilaw ng poste sa pavement habang dahan-dahan kaming naglalakad.
"Hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya..." dagdag ko,
"Kung kukumustahin ko ba siya... or what."
Anim na taon. Anim na taon ng katahimikan. Anim na taon ng mga tanong na hindi kailanman nasagot.
At ngayon... bigla siyang bumalik.
Ring. Ring.
Napatingin ako sa phone ko. Ali calling.
Napailing ako nang bahagya. Naalala ko, sinabi ko nga sa group chat kanina na nawawala si Shadow. Pinindot ko ang screen.
Click.
"Nakita mo na ba si Shadow?" agad na bungad ni Ali sa kabilang linya.
"Oo, Ali," sagot ko habang patuloy sa paglalakad.
"Pauwi na kami sa condo."
"Anong nangyari? May nakakita ba sa kanya? Bakit ba siya biglang tumakbo? Hindi naman ganyan si Shadow ah."
Sandali akong natahimik, tumingin kay Shadow na tahimik na naglalakad sa tabi ko.
"He followed Kendrick's scent," sabi ko.
May ilang segundo ng katahimikan sa kabilang linya.
"Dumaan yung convoy niya dito sa may condo."
Biglang lumakas ang boses ni Ali.
"Kendrick?!"
Halos mapasigaw siya.
"You mean the Kendrick Razon?"
Napangiwi ako.
"Nagkita kayo?! Oh my God!"
Napabuntong-hininga ako.
"Yes. Hawak niya si Shadow pagdating ko."
May ilang segundo ulit ng katahimikan.
Pagkatapos...
"OH MY GOD!"
Halos sumabog ang excitement ni Ali sa kabilang linya.
"Really?!"
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)