KABANATA 19: Lost in the Mall

24 2 0
                                        


⚜️Alia⚜️

Mabuti na lang talaga hindi masyadong maraming tao sa Greenwich pagpasok namin ni Bella.

Agad akong naghanap ng table para malapag ang mga pinamili kong damit para sa kanya. Medyo OA nga ako sa pamimili, pero bakit ba deserves everything si Bella.

Kulang na kulang pa nga ito sa kabutihan niya. Hanggang ngayon, I still can't believe how she did it... how she chose to save us kahit sobrang mapanganib. Hindi niya iniisip na puwede siyang mapahamak sa pagliligtas sa amin.

At sa ganitong paraan lang ako makakabawi sa kanya. Alam ko, hindi na mababayaran ang utang na loob, pero gusto ko pa rin subukan, kahit konti-konti lang.

Pinaupo ko si Bella sa table, na may magkaharap na single sofa chairs na kulay red.

"Order lang ako ah, ano gusto mo, Bells?" tanong ko sa kanya.

"Kong ano nalang yun sayo, Ali... ganun din sakin," sagot niya habang nililibot ang paningin sa loob ng Greenwich.

Mukha siyang bata na ngayon lang nakapasok rito.

Don't worry, Bells... sasamahan kitang gawin yung mga bagay na namiss mo. Kakain tayo sa lahat ng restaurants at gagala tayo kahit saan mo gusto.

"Sige, wait lang ah," mabilisan akong lumapit sa counter para mag-order.

Umorder ako ng dalawang lasagna, dalawang carbonara, dalawang chicken, at isang 12-inch pepperoni pizza kasi paborito ni Bella yun. Medyo marami nga, pero nakakagutom naman—at dadaan pa kami sa supermarket mamaya bago umuwi para mag-grocery.

Bumalik ako sa table kay Bella at inabutan siya ng pagkain.

"Ang ganda dito, noh. Ibang iba dun sa mall ng Gubatnon," manghang sabi niya.

"Mas marami kasi tayo dito sa Valencia, kaya mas bonga ang mga malls dito, Bells."

"Siguro mahal mga bilihin dito... tapos ikaw naman, dami mong pinamili."

"Hoy! Deserve mo kaya yun. Tsaka wag kang mag-alala, mayaman ako ngayon. Bagong sahod eh. Kaya ssssh ka lang jan."

Here's your order po, Ma'am, sabi nung crew na nag-serve ng food namin.

"Thank you (^__^)" Buti nalang mabilis silang nag-serve. Nagugutom na ako eh.

"Ang dami mo na naman inorder... dalawa lang naman tayong kakain. Para ka talagang si Ken," reklamo ni Bella.

Sinamaan ko siya ng tingin. Itong babaeng to, puro reklamo sa buhay eh.

"Shooooh!! Manahimik ka... deserve natin to, noh? Sa lahat ng pinagdaanan natin, deserve natin mabusog at maging happy."

"Bukas ubos na yan sahod mo... kaka deserve natin to, Ali," sabi niya pa.

"Kumain ka nalang jan. Masarap yan," sabi ko, tapos nagsimula na rin kaming kumain.

Una niyang tinikman yung lasagna at parang nagulat sa lasa.

"Kakaiba to ah... para lang siyang spaghetti pero malapad yung noodles niya. Tapos itong puting sauce din kakaiba."

"Ganyan talaga yan, pero masarap, noh?" Ngumiti ako sa kanya.

Sino ba naman may ayaw ng lasagna? Sigurado, di sila normal.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon