ALIA REYES P.O.V
"Aliiiii! Nagpalista ka na ba para sa sasama sa outreach medical mission ng hospital natin?"
Tanong iyon ng kasama kong nurse dito sa Javier Medical Center. Mag-iisang taon pa lang kaming nagtatrabaho dito. Bago pa lang kami, pero mapalad kaming na-absorb ng management ng hospital pagkatapos ng OJT namin.
Mahirap kaya makahanap ng trabaho kapag fresh graduate ka pa lang at halos wala pang experience sa field mo.
"Hoy! Tinatanong kita kung sasama ka sa medical mission. Lutang ka na naman diyan!"
Napakurap ako at bumalik sa ulirat.
"Sorry, may iniisip lang. Ngayon na ba 'yun? Akala ko next month pa."
"Ngayon na 'yun, sezz! Ano, sama ka? Sama ka na para naman may kausap ako doon."
Plano ko naman talagang sumama. Kaya nga ako nag-nurse—para makatulong sa mga taong nasa laylayan ng lipunan o sa mga komunidad na malayo sa kabihasnan. Nakalimutan ko lang talagang magpalista agad.
Kaya sinamahan na ako ni Vanz sa admin para magpalista sa mga sasama sa medical mission namin sa Gubatnon.
Nang makita ko ang listahan, medyo marami na rin pala ang nag-volunteer.
Pero napansin ko ang isang pangalan na nasa pinakaitaas.
"Sasama din pala si Doc Javier?" tanong ko kay Vanz.
"Hala! Oo nga, noh! Sasama siya talaga? Kailan pa siya nahilig sa ganito?" reklamo niya agad. "Hindi ba masama ugali niya? Kailan pa siya tinubuan ng bait para magawang mag-kawanggawa?"
Well... totoo naman din.
Kilala si Doc Javier sa pagiging strikto at moody dito sa JMC. Isa siya sa mga doktor na nagpahirap sa amin noong interns pa lang kami.
Kahit nga mga intern na doctors ayaw din sa kanya.
Napaka-seryoso niya sa trabaho at perfectionist pa. Magkamali ka lang ng isang beses, siguradong mapapahiya ka sa kanya.
Kung pagalitan ka niya, parang mararamdaman mong may mali sa buong pagkatao mo.
Ganoon siya kabagsik.
"Malay mo naman nagbago na siya," sagot ko na lang kay Vanz.
Hindi ko rin alam kung bakit, pero kahit gaano kasama ang trato ni Doc Javier sa amin noon, hindi ko magawang magalit sa kanya.
Pakiramdam ko kasi may malalim na dahilan kung bakit ganoon ang ugali niya.
Naniniwala ako na ang ugali ng isang tao ay konektado sa mga karanasan nila sa buhay.
"Alam mo, Aliii," biglang sabi ni Vanz habang nakangisi. "Umamin ka nga sa 'kin. May crush ka ba kay Doc Javier? Dati pa napapansin ko na lagi mo siyang pinagtatanggol."
Napatawa na lang ako.
"Hindi ba pwedeng malawak lang ang pang-unawa ko sa mga tao? Kaya hindi ako naiinis sa kanya kagaya ng pagkayamot mo?"
"Hindi talaga, sezz! May something ka talaga kay Doc Aden. Ayaw mo lang aminin."
"Hay naku, Vanz!" natatawa kong sabi. "Alam mo, mabuti pa umuwi na tayo. Hindi ka pa ba napapagod? Napaka-hectic ng shift natin kanina. Ang daming nangyari."
Pareho kasi kaming naka-assign sa ER ng hospital.
May nangyari pang car crash kanina kaya medyo madugo ang eksena. Buti na lang on time ang kapalit namin sa shift kaya makakauwi agad kami.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomansaSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)