⚜️Bella⚜️
Nandito pa rin kaming dalawa ni Ken sa supermarket, at salamat naman, natapos na niyang punuin yung dalawang malaking cart.
Napagod na kami ni Shadow, kakaiikot sa loob at pakikipagtalo sa kanya. Sigurado ako magagalit na naman si Alia sa kanya sa dami ng pinamili niya.
Paano ba naman kasi? Imbes na maliliit na sachet yung nasa listahan, nasa gallon yung binibili niya. Ganun ba talaga yun mga mayayaman kapag nag-grocery? Lahat by box, walang paisa-isa?
Pagdating namin sa counter ng cashier, dun ko na-realize na pang-mayayaman nga talaga itong mall na to. Lahat ng nakapila sa mga counter, puro malalaking cart at punong-puno ng groceries. Yun iba nga, tig-apat o limang malalaking cart pa!
Pwede na silang magtayo ng sari-sari store sa dami ng pinamili nila. Ang layo talaga ng agwat ng mahihirap sa mayayaman. Kahit sa pag-grocery, sobrang layo samin kasi ni Lolo, luxury na yun kung makakalahati ka lang ng maliit na basket sa tindahan.
"Bells, wait here. I'll get you a chair." paalam ni Kendrick sa akin.
"Ha, wag na. Okay lang ako, Ken. Sanay naman ako tumayo o mag-antay."
"No. I will not let you stand while waiting in line. Just wait here."
"Okay lang talaga ako, Ken. Wag ka na mag-abala."
"No." tapos umalis na siya.
Hindi talaga nagpapatalo ang isang yun. Ini-offeran pa nga kami ng cashier na mauna na sa punch, pero tumangi si Ken. May nakapila na kasi at ayaw niyang gamitin yun pagka-may-ari niya ng mall para maabala yung ibang tao. First come, first serve—kahit sino pa yun.
Nakakabilib nga si Ken. Hindi ko inaakala na fair pala siyang tao. Akala namin dati ni Alia, kagaya lang siya ng mga arroganteng mayayaman na ginagamit ang estado nila sa lipunan sa lahat ng pagkakataon. Pero hindi ganun si Kendrick.
Mabuti talaga siyang tao. Kahit sobrang yaman ng pamilya niya, hindi niya yun ginagamit sa pang-aabuso.
Girl! I think Dricky is here inside the mall. I saw his car sa VIP parking kanina.
Narinig kong may kausap yung cashier 5. Napaligon ako sa kanya kasi iba yung pananalita niya—may accent at medyo maarte. Mukhang naka-video call siya.
Maganda siya, parang model sa magazine sa suot niya, at ang taas ng sandals niya. Hindi ba siya nadadapa dyan?
Are you sure it's him? sagot nung kausap niya sa speakerphone.
Duh... He's the only person in this city who can afford that car. I'm pretty sure it's him.
Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila.
Bitch, you're not sure about that. Maybe someone else can afford that too. Stop being so paranoid, Shantal.
I'm not being paranoid, sis. I know that SUV—only a Razon can afford the billionaire edition of Rolls Royce Cullinan. That's $500,000 luxury car.
(O__O)
Si Ken ba pinag-uusapan nila?
Kilala niya ba tong babaeng to? Hindi naman yun malabo parehas silang mukhang mamahalin at kagalang-galang.
Okay, girl. So what if it's him? What would you do? Have you forgotten what you did to him? You dumped him, remember?
Dump? Tinapon niya ba si Ken? Paano?
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)