Keelan POV
Hindi ko pa nga natatapos i-interrogate itong nahuli namin kasama ng mga nag-ambush kay Butler ni Kendrick nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya.
May panibagong problema, pero hindi pa ako tapos rito. Kahit anong piga mo, ayaw talaga magsalita tungkol sa kung may iba pang kasapi ng kilusan sa Valencia.
"Go on, Captain Arellano. Ako na ang bahala dito. Kailangan mo ng mga kaibigan mo. I-update na lang kita kapag nagsimula na siyang magsalita," utos sa akin ni General Bacuiran.
Nandito kami ngayon sa interrogation room ng headquarters.
"Pero General, kailangan kong malaman kung sino pa ang mga kasamahan niya dito sa Valencia. Kailangan ko silang mahuli lahat para tuluyang maging ligtas ang mga kaibigan ko sa labas."
"I know. Pero ang mga taong kagaya niya ay hindi basta-basta ibubunyag ang kasamahan niya sa kilusan. Kailangan mo ng mga kaibigan mo, Keelan. Hindi natin alam kung may susunod pang pag-atake na magaganap at wala ka roon para protektahan sila."
Tama si General. Vulnerable sila ni Kendrick ngayon sa hospital. Kailangan ko silang puntahan.
"Sige na, umalis ka na. You're dismissed, Captain Arellano."
"Thank you, General." Pagkatapos, nagmadali akong umalis sa HQ. Habang nasa daan, tinext ko si Aden tungkol sa nangyari.
Susunod din sila ni Alia sa JMC. Kailangan kami ni Kendrick doon.
Nagmadali akong magmaneho papunta sa hospital. Pagdating ko, agad akong nagpark at pumasok sa loob.
Kakapasok ko lang sa E.R., narinig ko na ang sigaw ni Kendrick.
"Don't f*cking touch me! I WILL NOT LEAVE EVEN IF YOU DRAG ME OUTSIDE! I WILL STAY HERE UNTIL BELLA WAKES UP! YOU CAN'T MAKE ME!"
Piliting kinakaladkad siya ng mga lalaking naka-itim mukhang bodyguards pero hindi bumibitaw si Kendrick sa mahigpit niyang pagkakahawak sa bed frame ni Bella.
"I'm sorry, Young Master, but we have to do this," sabi ng isa at bumunot ng baril, tinutukan si Kendrick sa ulo.
Agad akong bumunot ng baril at tinutukan sila. Hindi ko talaga gusto na inaagrabyado ang mga kaibigan ko.
"Drop. That. Gun. Now!" Agad nabaling ang atensyon ng mga lalaki sa akin.
Tinutukan ako ng iba ng baril—mukhang high-end pistols ang hawak nila.
"Keelan," tawag ni Kendrick sakin. Mukha siyang kawawang tuta, humihingi ng tulong.
"Stay out of it, Sir. You don't wanna get involved. You don't know who you're messing with, and it's none of your business," sabi ng isa sa kanila.
"None of my business? You're putting a damn gun over my friend's head. Tapos sasabihin mo sa akin wag akong makialam? Drop that gun now, or I blow you up!" seryosong banta ko.
Nilipat niya ang baril sa akin.
"Pinapasundo lang si Sir Kendrick ng daddy niya sa amin," paliwanag ng isa.
"Ayaw niyang sumama sa inyo, diba? Bakit niyo pinipilit?" tanong ko.
"Mr. Razon clearly stated we have to bring Young Master Kendrick to him, whether he agrees or not."
Tumingin ako kay Kendrick.
"Dito lang ako. Hindi ko iiwan si Bella rito," seryoso niyang sagot.
"Narinig niyo naman, diba? Umalis na kayo kung ayaw niyo ng gulo," sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)