KABANATA 5: The Forbidden Trail

25 2 0
                                        


💎 KENDRICK 💎

Nag-book na lang ako ng Grab papunta sa bus terminal. Hindi na ako gumamit ng sasakyan papuntang Valencia dahil siguradong malalaman ni Daddy na umalis ako ng Don Carlos.

This trip needs to stay a secret.

Sabi ng facilitator, pagdating ko sa bus terminal ng Valencia ay may van naman na magsusundo sa amin na nag-avail ng tour package. Kasama na raw iyon sa binayaran namin. Sa Sitio Sampaguita daw kami magkikita ng tour guide.

Three hours ang biyahe.

Buti na lang pagdating ko sa Valencia, nandito na rin ang ibang kasama sa tour.

Habang papasok kami sa bayan, napansin ko agad ang mga sasakyan ng military na nakaparada sa gilid ng kalsada. May mga sundalo rin na naka-deploy at may checkpoint pa sa unahan.

Dahil nasa passenger seat ako ng van, tinanong ko ang driver.

"Bakit may mga sundalo dito, kuya?"

"Ah, Sir, normal na po 'yan dito sa Valencia," maikling sagot niya.

"Bakit naman po?"

"Para lang po sa security, Sir."

Security?

Maniniwala pa ako kung mga pulis ang naka-deploy dito.

But with this amount of military presence... parang masyadong seryoso.

Parang may gyera na pinaghahandaan.

Sumilip ako sa maliit na bintana ng van at tiningnan ang mga kasama ko sa tour. Mukha naman silang kalmado. Walang mukhang nababahala sa mga sundalong nakikita sa labas.

Maybe this really is normal here.

Masyado lang siguro akong paranoid.

Maybe ganito talaga sa mga probinsya.

"Malayo pa ba tayo sa Sitio Sampaguita, kuya?" tanong ko ulit.

"Mga thirty minutes na lang po, Sir."

Doon kasi magsisimula ang trail namin papunta sa camping site.

Pagdating namin sa base camp, sinalubong kami ng facilitator.

"Alright everyone, this is Mang Kanor, your tour guide for this tour."

Inabutan niya kami ng brochure.

Makikita doon ang map ng trail, kasama ang mga larawan ng mga tanawin na madadaanan namin.

Una sa trail ang rainforest area. Ayon sa brochure, makikita raw doon ang iba't ibang klase ng wild orchids at rare flowers.

Mayroon ding river stop na tinatawag nilang Dalisay River.

Base sa picture, napakalinaw ng tubig doon at perfect spot daw para sa cliff diving.

Pagkatapos ng river stop, susundan namin ang agos ng ilog papunta sa waterfall kung saan kami magla-lunch.

After that, magha-hike ulit kami hanggang marating ang peak ng sikat na mountain trail ng Valencia.

Ang bundok na Luha ng Diwata.

Which is the main reason kung bakit ako nandito.

Marami pang sinabi ang facilitator tungkol sa rules and regulations ng tour. Mga do's and don'ts sa loob ng kagubatan.

"Lastly, guys," sabi niya, "kapag sakaling mawala kayo sa trail, always go to your left side inside the forest. Never ever go right. Pwede rin kayong bumalik pababa ng trail."

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon