Kabanata 7: The Warning in the Dark

23 2 0
                                        


💎 Keelan 💎

Kakatapos lang mag-lunch ng mga nurses at doctors dito sa medical mission. Mabilisan nga lang ang kain nila dahil sa dami ng nagpa-patingin sa kanila.

Nakakatuwang makita na marami silang natutulungan sa libreng check-up at mga gamot na ibinibigay nila sa mga tao sa sitio.

So far, everything went fine sa medical mission.

Wala naman kahina-hinalang nangyari.

Maliban na lang doon sa lalaking nang-many*ak kanina.

"Capt., kain muna tayo."

Hindi pa kasi kami nagta-tanghalian ng mga military escort. Kahit na binigyan naman nila kami ng food packs kanina, syempre pinauna muna namin ang mga doktor at nurses na matapos mag-break bago kami kumain.

Nag-round muna ako ulit sa paligid ng tent bago ako nagpasyang kumain na rin.

Sa ilalim ako ng isang malaking puno pumwesto, sa likod ng tent. Umupo lang ako sa makapal na ugat nito habang kumakain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may lumapit sa akin na isang itim na aso.

"Hmmm... hmmm..." impit ang iyak niya.

"Gutom ka ba, doggie?" tanong ko sa kanya.

Sakto may isa pa akong food pack na hindi ko pa nakakain.

"Arf... arf..." mahinang tahol niya, pero umatras siya.

Napakunot ang noo ko.

Yung tahol niya hindi agresibo.

Hindi rin tahol ng takot.

Kakaiba.

Parang may gustong ipahiwatig.

Parang babala.

"May nangyayari ba dito, doggie?" tanong ko ulit.

Nakatambay kasi ako dati sa training center ng K9 dogs. Kahit papaano may konti akong alam sa behavior nila.

"Hmmm... hmmm..." umiyak ulit siya, sabay kagat sa kaliwang bahagi ng collar niya.

Napansin ko ang dog tag na nakasabit doon.

Shadow.

Maya-maya may kinagat siyang nakatiklop na papel at inilapag sa harap ko.

Humiga pa siya at tinulak ang papel papunta sa akin gamit ang paw niya.

Napatingin ako sa kanya.

Ang weird talaga.

Pero pakiramdam ko may gustong sabihin sa akin ang asong ito.

Kinuha ko ang papel at dahan-dahang binuksan.

May nakasulat.

Umalis kayo dito. Hindi ligtas ang lugar na ito para sa inyo. Mapapahamak kayo dito. May mga rebelde sa Valencia at kayo ang pakay nila. Umalis na kayo bago pa mahuli ang lahat. Pakiusap, maniwala kayo sa akin. Huwag kayong pupunta sa Sitio Waling-waling.

Nanlamig ang batok ko.

Napako ang tingin ko kay Shadow.

"Totoo ba ito, Shadow?" tanong ko.

"Arf! Arf! Arf!" malakas ang tahol niya.

"Amo mo ba ang nagsulat nito?"

"Arf! Arf!"

"Nasaan siya? Maaari mo ba akong dalhin sa kanya?"

Umatras siya at lumingon sa kakahuyan na hindi kalayuan sa amin.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon