⚜️Keelan⚜️
Hinatid ko si Alia sa Military Detachment na nasa boundary ng Gubatnon at Valencia.
Kahit delikado umalis ng umaga, kailangan ko munang isecure ang kaligtasan niya. She's one of the medical mission personnel, at ako ang security escort nila.
"Pero paano ka? Mag-isa ka lang, Sir. Babalik ka dun ng walang kasama." bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"I'm the soldier, Nurse Alia. It's my duty to protect the civilians and end insurgency."
"Pero Sir!"
"Bella needs you there. Wala siyang kilala dun maliban sa iyo. We have to protect her identity." Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang braso ko.
"Mangako ka na babalik ka ng ligtas! Promise me na walang mangyayari sayo ng masama." seryoso niyang sabi.
"Pangako... Tawagan mo ako kung may mangyari, ha." Binigyan ko siya ng papel na may nakasulat na SIM number na dala-dala ko sa mission.
"Okay... Mag-iingat ka, Captain Arellano. Antayin ka namin ni Bella."
Kailangan kong bumalik sa kweba at doon planuhin ang susunod na hakbang para lipulin ang mga terorista. Kung hindi lang sana nasaktan si Bella, matutulungan niya ako sa mga impormasyon tungkol sa galaw nila dito sa Gubatnon.
Pagkaahon ko sa loob ng kweba, isang rifle agad ang nakatutok sa akin.
Agad kong inagaw iyon at kinuha sa kanya.
"Sino ka?! Bakit mo alam ang lugar na ito?! Nasaan ang apo ko?!" sigaw ng isang matandang lalaki, puno ng galit at pag-aalala.
Sigurado akong kilala niya si Bella.
Binababa ko ang rifle na nakuha ko bago magsalita.
"Si Bella po ba ang tinutukoy niyo?"
"Oo! Nasaan siya? Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Hindi po ako kalaban. I'm Captain Arellano, scout ranger na nadestino rito. Tinulungan po kami ng apo niyo para makatakas sa mga rebelde noong isang araw." paliwanag ko sa kanya.
"Ano?! Pero nasaan siya? Wala siya rito. Ang bilin ko sa kanya, dito lang siya magtago!" puno ng pag-aalala ang sabi niya.
"Nabaril po siya kanina habang tinutulungan kaming makatakas ang mga hostage na nurses at doctor."
Nanghina siya at umupo sa lupa.
"Ang batang iyon... sinabi ko na sa kanya na wag makialam para di siya mapahamak." malungkot niyang sabi.
"Wag kayong mag-alala. Ligtas po siya, nasa Valencia na at ginagamot sa hospital. Magiging okay po siya, apo niyo."
"Hindi siya maaring magpunta sa hospital. Malalaman nila ang totoong buhay niya. Malalagay sa delikado ang buhay niya. Hahanapin siya nila, at papatayin gaya ng mga magulang niya!" natatakot niyang sabi.
"Wag kayong mag-alala. Hindi nila malalaman ang tunay na katauhan ni Bella sa syudad." nanlumo siya.
"Si Shadow! Kailangan kong hanapin si Shadow!"
"Kasama po ni Shadow si Bella."
"Hindi ako makakapunta sa hospital. Pag umalis ako, pag-iinitan ako ng kilusan. Baka masundan nila ako. Sir, kailangan niyo kaming tulungan. Kailangan mong protektahan si Bella."
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)