⚜️Bella⚜️
2 days later...
"Bells, sure ka ba talagang okay ka lang dito mag-isa?" tanong ulit sakin ni Alia.
Nakailang ulit na niyang tanong sakin simula nang makatanggap siya ng email kanina madaling araw.
May aksidente kasing nangyari sa National Highway ng Valencia isang bus ang nabangga sa isa pang bus.
Madaming sugatan, at marami ring kritikal sa JMC ngayon. Lahat ng nurses pinapa-duty dahil kulang sila sa personnel sa E.R.
"Ali, okay nga lang ako dito. Kasama ko naman si Shadow dito eh. Uuwi ka naman pagkatapos ng trabaho, diba?" sabi ko sa kanya.
"Eh syempre, ayaw naman kitang iwan dito mag-isa, Bella. Nag-aalala ako sa'yo."
"Okay nga lang ako dito, Ali. May pagkain naman dito eh. Kinaya ko nga dun sa ilalim ng basement na mas malala pa yun dito," paliwanag ko sa kanya.
"What if ma-bored ka dito? Wala kang kausap, Bells?" pa'ngu-ngulit niya pa.
"Nakakausap ko naman si Shadow, Ali. Wag ka na mag-alala sa'kin."
"Sure ka ba? Hindi naman sumasagot yan si Shadow eh ^3^" dagdag niya pa.
Arf. Arf. Arf! tahol ni Shadow sa kanya.
"Kita mo na, sumasagot si Shadow, Ali," natatawang sabi ko sa kanya.
"Sure kayo ah. Basta tawagan mo ako agad pag may kailangan ka o may nangyari. Pwede din naman si Kendrick yun tawagan mo, Bells," bilin niya pa habang inaayos yung mga gamit niya.
"Okay, wag ka na mag-alala, Ali. Kailangan mo muna mag-focus sa trabaho mo. Okay lang kami ni Shadow dito."
"Hayys, sige ah. Uuwi din ako agad dito pagtapos ng shift ko," sabi niya habang inaayos yung uniform niya.
Nakakamangha talaga tingnan si Alia habang suot niya yung uniform niya sa trabaho. Bagay na bagay sa kanya ang pagiging nurse malinis, kagalang-galang, at napaka-ganda niya rin sa puting uniporme.
(^____^)
"Basta pag nagutom ka, may pagkain na akong niluto jan. Initin mo lang sa microwave para di malamig. Tanda mo naman paano gamitin, diba?" bilin niya habang sinusukbit yung bag niya.
"Opo, alam ko na lahat. Tinuro mo na sakin po," sagot ko.
Para talaga siyang si Mama noong nabubuhay pa siya. Ganyan na ganyan din siya sakin—alaga na alaga para makapasok ako sa eskwela at kumain ng maayos.
"Sige na, alis na ako, Bells. Maaga shift ko eh. Kumain ka ng madami ah. Yung mga gamot mo, wag mo kalimutan inumin," paalala niya pa ulit.
"Opo, inay (^___^)" pang-aasar ko sa kanya.
"Sira talaga to. Sige na alis na talaga ako. Babyeeee," niyakap niya muna ako bago lumabas ng kwarto.
Paano ko naman makakalimutan inumin yung mga gamot ko? Naka-paskil pa yun sa pinto ng ref, kasama na yung dosage. Masyadong tutok si Alia sa pagiging nurse niya sakin.
Siguro kaya mabilis akong naka-recover—sobra silang nag-alaga sa akin. Kung hindi lang kulang sa personnel sa JMC, hindi niya ako iiwan dito mag-isa.
"Paano ba yan, Shadow... tayo na lang dalawa ulit," sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Arf. Arf. Arf! sagot niya pa sakin.
"Masaya ka ba dito, Shadow? Kasi ako, payapa na ako dito."
Ang saya talaga sa pakiramdam na may kalayaan na akong gawin ang mga bagay na dati ay limitado sa akin. Dito, nakakalabas ako kahit umaga. Nakakapaglakad kami ni Shadow sa labas ng kwarto. Pwede rin kaming lumabas ng gate ng dorm ni Alia, pero natatakot pa akong lumabas ng ganap.
Dito lang kami ni Shadow sa loob ng bakuran. Medyo malawak naman at mababait din ang mga tao dito. Hindi sila masyadong nagtatanong tungkol sakin—pinaniwalaan agad nila yung sabi ni Alia na pinsan niya ako. Busy din kasi sila sa kani-kaniyang trabaho.
Bzzzzt. Bzzzzzt.
Text message galing kay Ken.
"Hey, Ali chatted me. Are you okay, Bells? May work daw siya. Should I go there to accompany you?"
Okay lang ako dito, Ken. Wag ka na mag-alala. Wag ka na pumunta. May klase ka pa diba. reply ko sa kanya.
Alam ko kasi maaga klase niya kaya abala pa siyang pupuntahan ako dito.
"Are you sure? I don't really mind going there now. Pwede din akong umabsent muna today, Bells para may kasama ka."
Aga-aga pa ngayon. Hindi pa nga sumisikat ang araw eh.
Okay lang talaga ako, Ken. Wag ka na umabsent sa klase mo. Puntahan mo nalang ako dito after ng class mo. reply ko ulit.
"Alright, may food ka ba jan? Gusto mo mag-order ako at ipadeliver jan para may breakfast ka na?"
Wag ka na magpadeliver. Pinagluto na ako ni Alia bago siya pumasok sa work niya. reply ko.
Itong dalawang to talaga parang magulang ko laging nag-aalala sakin (^___^)
"Alright, make sure you eat on time ha. And your medication, don't forget to take it on time too."
Opo. Wag na mag-alala. Malaki na ako (^__^) reply ko sa kanya.
"Fine, basta punta agad ako jan after class, Bells. Get some rest, it's too early in the morning." reply niya.
"Okay, ingat pagpasok sa class mo, Ken."
Nagreply lang siya sakin ng emoji na may heart.
Good morning, Bells.
Good morning din, Ken (^__^)
Medyo maaga pa naman para mag-almusal. Matutulog lang muna ako ulit. Mamaya nalang kami kakain ni Shadow.
6am pa naman yun gamot ko eh.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Important Notice: All my works are my original creations. Copying, stealing, or reposting my stories without permission is strictly prohibited. Please respect the hard work that goes into bringing these worlds to life.
If you enjoy my stories, I'd love it if you Vote, comment, and follow your support helps me create even more stories for you to enjoy! Happy reading, and let's explore new worlds together!
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)