KABANATA 35: The Stranger at the Door

13 3 0
                                        


⚜️ Bella ⚜️

Hindi nagtagal, dumating si Kuya Butler sakay ng SUV. Nagmadali siyang bumaba para puntahan kami ni Shadow sa gilid ng 7/11.

Sobrang lakas ng ulan at nababasa na kami ni Shadow sa tilamsik nito.

"Miss Bella, bakit po kayo nag-antay dito sa labas? Sana po ay pumasok muna kayo sa loob," sabi niya habang pinapayongan ako.

"Okay lang po, Kuya. Maliligo nalang po ako pagdating sa dorm."

"That man... did he hurt you?" seryosong tanong niya.

"Hindi po."

Hindi niya ako sinaktan, pero mabigat pa rin sa puso ko ang reaksyon niya nung makita niya ako sa condo ni Kendrick.

"Are you sure, Miss Bella? May sinabi ba siyang hindi maganda sa'yo?" tanong niya ulit habang pinapasakay ako sa SUV.

"Wala naman po. Nagalit lang siya kasi pinalitan ni Kendrick ang passcode sa condo niya."

"You shouldn't have opened that door, Miss Bella. Sana hinayaan mo nalang siyang magdabog sa labas."

"Bakit naman po? Eh tatay siya ni Kendrick. Nakakahiya naman po kung hindi ko siya papasukin sa condo ng anak niya, Kuya."

"Kaya nga umalis si Kendrick sa mansion para makawala sa kanya. He's not a father. He's a f*cking controller."

"Ano po ibig niyo sabihin, Kuya?"

"Hindi anak ang tingin niya kay Young Master. Just like that old man. Treat him as an investment for their business ventures... parang piraso sa chess."

Naguluhan ako, pero isang bagay lang ang malinaw: hindi tinatrato ng tama ng daddy niya si Ken.

"Stay away from him, Miss Bella. If you ever cross paths with him again... just run. Mapapahamak ka lang dahil sa kanya."

"Tatandaan ko po 'yan, Kuya."

"Whatever he said to you... don't believe it, Miss."

"Opo, Kuya. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Okay lang po ako."

Hindi nagtagal, nakarating na kami sa gate ng dorm ni Alia.

Agad akong nagpasalamat kay Kuya at umalis na siya. Nang makaalis na ang SUV, pumasok kami ni Shadow sa loob.

Pagkapasok ko sa kwarto, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Dumeretso ako sa kama dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Saan ka ba nasasaktan, Isabella?

Dahil sa nakita mong ayaw sa'yo ng daddy ni Ken?
O dahil natatakot ka sa kung anong pwedeng mangyari kay Kendrick dahil sa'yo?
O dahil natatakot kang hindi mo na siya muling makikita dahil ayaw ng tatay niya sa'yo?

Halo-halo ang naiisip ko... puro negatibo. Pero hindi ko maipagkakaila na nasasaktan at natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Base sa sinabi ni Kuya Butler kanina, hindi malabong magkatotoo ang iniisip ko.

Paano ko pagbawalan si Kendrick na pumunta kung tatawagin siya ng daddy niya? Ibig sabihin nun... hindi ko na siya makikita.

Bakit, Bella? Bakit nasasaktan ka sa posibilidad na hindi mo na muling makita si Ken?

"Ano ba tong nararamdaman ko..." T^T

Lumapit si Shadow sa akin.

"Okay lang ako, Shadow... pagod lang ito," sabi ko.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon