Aden's POV
Sobrang dami ng nangyari nitong magkasunod na araw. After kong ibigay ang statement ko sa mga police, agad rin silang umalis sa JMC. Wala naman civilian na nasaktan, at parehas may lisensya ang mga baril na nilabas nila kanina sa E.R.
At sino ba naman ang magtatangka mag kaso sa pamilya ni Kendrick, diba? Half of this city is owned by his family. Halos lahat ng malalaking negosyo dito ay pagmamay-ari ng mga Razon.
I can't believe what we've been through these past few days. Ang dami ng nangyari at nalagay pa sa peligro ang buhay ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang nandoon si Keelan. Somehow, I feel safer kasi he's around.
Alam ko kaseng hinding-hindi niya hahayaan may mangyari kay Alia, Bella, at Kendrick.
I know Keelan will catch a damn bullet to save us. He's that kind of guy—I've seen it countless times.
Parehas silang dalawa ni Bella selfless.
Pabalik na sana ako sa room ni Bella para ibalita sa kanila na successful ang operation ni Butler at nasa I.C.U. na siya ngayon for further monitoring. Kasama niya ang pamilya niya sila ang nagbabantay sa kanya.
Nakausap ko nga kanina ang tatay niya. He's been working for the Razon family for decades. Butler din siya ng daddy ni Kendrick. Kaya pala yung anak niya din ang naging personal bodyguard ni Ken. Pinagkakatiwalaan talaga sila ng pamilya niya.
I'm going to check on Bella siguro naman ay gising na siya ngayon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga makapaniwala sa nakita ko sa CCTV kanina.
How can someone be so heartless? Hindi man lang niya tinulungan si Bella. Napakasama talaga ng daddy ni Kendrick. No wonder my father despised him so much.
"Doc... Doc... Javier?" tawag sa akin ng hospital staff.
"Yes? May kailangan ka sakin, Miss?" tanong ko.
"Kaka-receive ko lang ng tawag galing sa office ni Sir Javier. Pinapatawag po kayo ASAP," sagot niya.
Oh, sucks. I'm totally doomed. Nakalimutan ko na yung boss ko sa dami ng nangyari sa amin. Mukhang nakarating na sa kanya ang nangyari sa E.R. kanina.
Shit. Matatanggal pa yata ako sa trabaho.
"Sige, Miss. I'll go there now. Thank you," sabi ko.
Agad akong pumunta sa elevator papuntang 5th floor ng hospital nandun kasi ang opisina ng CEO.
Si Sir Vicente Javier, tatay ko rin, pero hindi pwedeng ipagkalat dahil isa akong anak sa labas.
Kahit kinakabahan ako, pumunta pa rin ako sa office niya. I don't usually meet this man. Laging sa phone lang kami nag-uusap kapag may inuutos siya sakin.
He's so ashamed na makita kaming magkasama. Walang palya yung pagpaparamdam niya na hindi ako parte ng pamilya at buhay niya.
Pagtapat ko sa pinto, kumatok muna ako bago pumasok.
"Sir Javier, pinatawag niyo raw po ako."
"Come in!" galit na sigaw niya.
Parang magpapaalam na talaga ako sa lisensya ko bilang doctor. Kahit natatakot, pumasok pa rin ako.
Kakasara ko lang ng pinto, isang malakas na sampal agad ang sumalubong sakin.
"SLAAAAP!"
Shit! Parang nahilo pa nga ako sa lakas ng sampal.
"I don't know why you can't do this, Aden, but I only gave you one command. Please don't cause any chaos inside JMC. Why can't you do it?" bulyaw niya.
"I'm sorry, Sir. But it's beyond my control. Those guys were trying to harm a friend of mine."
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)