KABANATA 44: Shadows in the Hospital

13 2 0
                                        


Alia's POV


Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi pa rin ako makapaniwala. At heto kami ngayon, inaayos ang mga gamit ni Bella sa hospital room niya. Inaayos na rin ni Keelan ang bills niya at bago mag dilim, aalis na sila.

Pansamantalang magkakalayo muna kami ni Bella habang hindi pa nahuhuli ang galamay ng kilusan rito sa Valencia. Simula nung makaalis ang mommy ni Kendrick, tahimik lang si Bella at sobrang lalim ng iniisip.

"Okay ka ba, Bells?" tanong ko habang nilalagay sa bag niya ang mga gamit.

"Ali... makikita pa kaya natin ulit si Kendrick?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Oo naman, Bells. Maliit lang naman ang Valencia at kilala ko yun. Maghahanap siya ng paraan para makita tayo. Wag ka nang mag-isip ng masama," pinapa-gaan ko ang loob niya.

"Iba lang kasi pakiramdam ko sa nangyayari, Ali. Pero sana nasa maayos lang si Ken ngayon."

"Bella... everything is gonna be alright. Magtiwala ka lang, okay? Nandito lang kami para sa'yo."

"Pati sayo, malalayo na rin ako. Hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin ni Keelan pagkatapos rito."

"Pansamantala lang naman yun, eh. Pag okay na lahat at ligtas ka na ulit, pwede na ulit tayong magkasama-sama. Konting tiis lang, Bells."

"Mamimiss kita, Ali... mamimiss ko yung mga bonding natin sa dorm. Mamimiss ko din luto mong ulam. Sigurado mamimiss din kayo ni Shadow. Nasanay na kaming kasama kayo palagi eh. Mag-iingat ka ha... kayong dalawa ni Doc Aden. Mag-iingat kayo."

"Heto naman! MMK agad? Bells, hindi ka pupunta ng abroad ah. Nasa Valencia lang din naman tayo. Pwede pa rin tayong magkita-kita anytime. Palipasin lang muna natin 'to. Sa ngayon, mag-focus ka nalang muna sa ALS exam mo. Isang buwan na lang yun, diba?"

"Oo... sa dami ng nangyari, nakalimutan ko na mag-review para sa ALS sa susunod na buwan. Parang nakalimutan ko na nga lahat ng ni-review ko sa dorm mo, Ali."

"May oras ka pa rin naman, Bells, para makapag-review. Malay mo dun sa place ni Keelan, makakapag-aral ka ng maayos at malayo sa peligro."

"Sana nga, Ali... kailangan ko rin ito para maalis ang atensyon ko sa nangyayari sa atin."

"Basta gamitin mo yung notes na ginawa namin para sa'yo, ha. Banyo lang ako saglit. Papunta na raw dito si Keelan," sabi ko at nagpapaalam sa kanya.

Mabilis akong nagtungo sa banyo. Ayaw ni Keelan na iwan kong mag-isa si Bella.

Habang hindi pa ako tapos, marinig ko ang paglakas ng boses ni Bella.

"Pero Nurse! Pauwi na po kami. Nag-aayos lang kami ng papeles sa billing section. Paano po may injection pa akong isa na kailangan niyong ibigay?"

O__O

Anong injection yun? Hindi naman kailangan ni Bella yun; sugat lang sa ulo ang dahilan kung bakit siya na-admit.

Nagmadali akong lumabas ng CR.

"Hoy! Ano yan?" sigaw ko habang nilalapitan si Bella.

"Ahh! Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya.

Pinipilit nun nurse na ilapit sa braso niya yung syringe.

O__O

May isa pang nurse na naka-full protection lab gown, parang sa COVID setup. Hawak niya si Bella at tinutok ang syringe sa leeg ni Bella.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon