⚜️Alia⚜️
Tatlong araw na simula ng panic attack ni Bella, at nandito pa rin kami sa JMC, inaantay na maka-recover siya. Ako ang naging personal nurse niya. May klase si Kendrick, kaya madalas hapon o gabi lang siya nakaka-abot para samahan si Bella.
Every morning, pag nakikita niya ang araw, lagi siyang nagpapanic at natatakot. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya pwedeng nasa labas, na kailangan niyang magtago, at kailangan niyang bumalik sa basement.
It takes us minutes para pakalmahin siya. Lagi naming sinasabi na wala na siya sa Gubatnon, na wala na siya sa ganun buhay.
Kumain kami ng lunch ngayon. Gusto ko sanang tanungin kung anong nangyari sa kanya at bakit siya nagkaka-ganyan. Pero sabi ni Doc Aden, huwag daw namin pilitin magkwento kung hindi pa ready si Bella.
Pero nag-aalala kami ni Ken sa kanya.
"Alam ko gusto mong tanungin, Ali," mahinang sabi niya, napansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"Pero kong hindi ka comfortable pag-usapan, Bella, it's okay. Di mo kailangan sabihin." Tumitig lang siya sa glass window at bumuntong-hininga.
"Isabella Blanza died few years ago." Sabi niya, tinitingnan ako.
"Kasama akong namatay ng mga magulang ko nung gabing sinalakay ng Cobra ang bahay namin." dagdag niya pa.
Nakinig lang ako sa kanya at hindi nagsalita.
"Pinatay sila dahil informant daw ng mga sundalo si Papa at nagtataksil sa kilusan. Maswerte akong nakaligtas."
Napakasamang tao talaga ng Cobra na yun. I wish Sir Keelan would find him para pagbayaran niya lahat ng kasalanan niya.
"Simula nun, hindi na ako pwedeng makita sa Gubatnon. Lahat ng taong kilala kami pinagluksa at nilibing sa limot."
"Namuhay ako na nagtatago. Pag may araw, nasa basement lang kami ni Shadow. Hindi puwede gumawa ng ingay dahil baka malaman nila na buhay ako. Tuwing hating gabi lang ako nakakalabas, kapag tulog na ang lahat at wala ng kaaway."
"Yan ba ang reason bakit takot kang makita may araw na at nasa labas ka pa?" Tumango lang siya.
"Ilang taon akong namuhay ng ganun. Hindi madaling alisin sa sistema ko yun, Ali." malungkot niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi yakapin siya.
Sobrang grabe ng pinagdaanan niya at hindi ko alam kung makakayanan kong lampasan yun kung sa akin nangyari yun.
"Sssshhh. Ligtas ka dito, Bella. Hindi ka niya mahahanap. Promise yan!"
"Hindi mo siya kilala, Ali. Madami siyang koneksyon. Hindi ka ba natatakot? Madadamay kayo pag nalaman nilang buhay ako."
"He's not the only one with connections, Bels. At besides, walang kasamaan nanalo sa kabutihan. Kasama mo na kami dito sa ayaw at gusto mo. We owe you our lives, remember? Hindi ka nga nagdalawang-isip tulungan kami, diba? We will do the same for you."
"Pero mapanganib siya, Ali."
"Mas matakot siya sa amin nila Keelan at Kendrick. Mag-isa lang siya, Bels. Madami kaming magproprotekta sayo. He can never harm you."
"Pero paano?"
"Simple lang. Let Isabella Blanza die, and you will live as Bella Reyes, my cousin." Masayang sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)