⚜️Keelan⚜️
Nagmadali kami ni Shadow papunta sa kinaroroonan namin ni Bella.
Nadaan namin ang medical mission tent, kaya huminto ako sandali para tingnan kung may naiwan pang emergency supplies. Kailangan namin ng lahat ng pwedeng magamit—hindi namin alam kung gaano katagal aabutin ang backup, o kung ano pa ang pwedeng mangyari.
Madali kong kinuha lahat ng mga bags at boxes na may red cross mark. Ilang bags sinukbit ko sa leeg ni Shadow para maging karga niya.
Pagkatapos, mabilis na kaming umalis, bumalik kay Bella. Halos sumikat na ang araw.
Biglang may narinig kaming putok ng baril. Tumakbo si Shadow nang mas mabilis papunta sa direksyon ng putok.
Hanggang makita namin si Kendrick, karga karga niya si Bella. Maraming dugo ang nakabara sa damit niya.
Shit!
Mabilis akong lumapit sa kanila. Nang makita niya kami ni Shadow, inilapag niya si Bella sa lupa.
"She's shot! She's been shot!" sigaw niya.
Nagmadali akong lumapit. Time is running. We have to stop the bleeding para maligtas si Bella.
"Strip her! She's losing too much blood!"
"What?"
"Bilisan mo!" Agad kong binuksan ang mga dala namin ni Shadow, umaasang may makikita akong magagamit.
"Fuck!" sagot niya bago punitin ang damit ni Bella, kahit nag-aalangan siya.
She had a gunshot wound on her left chest, right below the collarbone.
Agad akong nagsuot ng gloves at buksan ang trauma bag. Kinuha ko ang bandages at pinunan ang sugat, pinipilit pigilan ang pagdaloy ng dugo. Miraculously, humupa ang pagdaloy ng dugo. Agad kong inilagay ang chest seal.
"Kailangan natin si Alia. She knows what to do!"
"Masyadong malayo dito. Kailangan ni Bella madala agad sa hospital! Carry her, I'll cover you up."
"Saan tayo pupunta?!" natataranta siya.
"On the road! We must bring her to the nearest hospital!"
Agad kaming pumunta sa kalsada at hinarang ang unang dumaan na sasakyan. Tinutukan ko ang driver ng baril, agad niyang itinaas ang mga kamay.
"Wag niyo po akong barilin, sir! Nagde-deliver lang po ako ng gulay!"
"Kailangan nila ng masasakyan. Sugatan ang kasama ko. Dalhin mo sa pinakamalapit na ospital!"
"Sige po!" Agad naming sinakay si Bella sa likod ng mini truck na may mga basket ng gulay.
"Go with her! Babalikan ko si Alia!"
Tinalon din si Shadow sa truck.
"I'll get help for you soon. Just hang in there and be safe!" sagot niya sa akin.
"Bilisan niyo, baka hindi na umabot si Bella sa hospital!" Agad na mabilis na tumakbo ang truck.
Lihim akong nagdasal, Please, sana makarating siya sa hospital. She doesn't deserve to die. She's too kind.
Pagkatapos mawala ang truck sa aking paningin, bumalik na akong mabilis sa kweba. Kailangan kong balikan si Alia; alam kong nag-aalala siya sa amin.
Naalala ko ang ruta namin ni Shadow kahit madilim, kaya mabilis kaming nakarating sa pangpang. Tumalon ako at lumangoy pabalik sa kweba, kung saan naabutan ko si Alia na naglalakad at halatang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)