Kabanata 08: Firefight in the Dark

21 2 0
                                        


💎 Keelan 💎

Humigpit ang hawak ko sa rifle ko habang pinagmamasdan ang mga anino na gumagalaw sa paligid ng nasusunog na truck.

Ang liwanag ng apoy ang nagsisilbing ilaw sa madilim na kalsada.

At sa liwanag na iyon, kitang-kita ko sila.

Mga rebelde.

Armed.

At naghahanap sa amin.

"Boss Cobra! Wala talaga sila dito!" sigaw ng isa.

"Magkalat kayo! Baka nagtatago lang sa paligid!" utos ng kanilang lider.

Narinig ko ang mga yabag nila.

Palapit.

Napatingin ako sa driver.

Sinenyasan ko siya ulit.

Three...

Huminga ako nang dahan-dahan.

Two...

Narinig ko ang tunog ng kaluskos ng damo habang may rebelde na papalapit sa pinagtataguan namin.

One.

Bigla akong tumayo mula sa talahib at agad akong nagpaputok.

RATATATAT!

Napaurong ang dalawang rebelde habang tinamaan ang isa sa kanila.

"AMBUSH! MAY SUNDALO DITO!" sigaw nila.

"Takbo!" sigaw ko sa driver at kay Alia.

Agad silang kumaripas papunta sa kakahuyan habang ako ang naiwan sa gilid ng kalsada para saluhin ang putok ng mga rebelde.

RATATATAT!

Sunod-sunod ang putok ng baril nila.

Lumipad ang mga bala sa paligid ko habang mabilis akong gumulong papunta sa likod ng isang malaking bato.

"PATAYIN N'YO YAN!" sigaw ng isang rebelde.

Sumilip ako sandali.

Tatlo sila sa harap.

Dalawa sa kaliwa.

At may isa sa likod ng nasusunog na truck.

Pitong rebelde.

At ako lang mag-isa.

"Perfect," bulong ko.

Mabilis akong sumilip ulit at nagpaputok.

BANG!

Isang rebelde ang bumagsak.

"FLANK NIYO!" sigaw ng isa.

Napamura ako.

Dalawa sa kanila ang nagsimulang umikot papunta sa kakahuyan.

Direksyon kung saan tumakbo sina Alia.

Hindi pwede.

Lumabas ako mula sa cover at nagpaputok ulit.

RATATAT!

Napaatras ang mga rebelde.

Pero sa dami nila, hindi sila tumitigil.

Biglang may bala na tumama sa bato sa harap ko.

BANG!

Lumipad ang maliliit na tipak ng bato sa mukha ko.

"Sumuko ka na sundalo!" sigaw ng isa.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon