Kendrick's P.O.V
Madaling araw sa Berlin.
Tahimik ang buong apartment habang nakaupo ako sa desk ko, nakaharap sa laptop.
Mga financial reports ang nakabukas sa screen.
Pero wala talaga akong gana basahin ang mga iyon.
Biglang nagvibrate ang phone ko sa mesa.
Dad.
Napakunot ang noo ko.
Hindi siya basta-basta tumatawag ng ganitong oras.
"Hello?"
Malalim ang boses niya sa kabilang linya.
"Kendrick."
Something was wrong.
"Ano 'yon, Dad?"
Tumahimik siya sandali bago nagsalita.
"Your grandfather was ambushed in Davao."
Napaupo ako nang tuwid.
"What?"
"Earlier today. A group of armed men attacked his convoy."
Parang huminto ang mundo ko sandali.
"Is he alive?"
"Yes."
Napabuntong hininga ako.
"Barely."
Humigpit ang hawak ko sa phone.
"Where is he now?"
"Javier Medical Center."
Tumayo ako agad.
"I'm flying back to the Philippines."
"Already arranged," sagot ni Dad.
"Your flight leaves in three hours."
Tumigil siya sandali bago nagpatuloy.
"I'll handle the investigation."
"You will handle the business operations while I deal with this."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Understood."
"Kendrick."
"Yes?"
"Someone saved your grandfather's life."
Napakunot ang noo ko.
"A soldier."
Hindi ko alam kung bakit...
pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
Several Hours LaterPhilippines
Pagbukas ng pintuan ng eroplano...
mainit na hangin ng Pilipinas ang sumalubong sa akin.
Four years.
Apat na taon akong wala dito.
Pero parang kahapon lang ang lahat.
Paglabas ko ng airport, agad akong sinalubong ng convoy ng sasakyan ng pamilya namin.
"Sir, we're heading straight to the hospital," sabi ng bodyguard ko.
Tumango ako.
Habang umaandar ang sasakyan sa kalsada...
may isang pangalan na paulit-ulit sa isip ko.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)