ADEN JAVIER P.O.V
Two days later
Javier Medical Center
"Complete na ba lahat? Na-double check niyo na ba ito?"
Mahigpit ang tono ko habang tinatanong ang mga JMC staff na abalang nagkakarga ng mga kahon ng gamot at medical supplies sa mga van na gagamitin namin para sa medical mission.
Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, pero nandito na kami sa personnel entrance ng Javier Medical Center para ihanda ang lahat ng kagamitan na dadalhin namin sa Balencia.
Inatas sa akin ng Chief Resident Doctor namin na i-check ang lahat bago kami umalis.
Kailangan walang maiiwan na kahit anong mahalagang gamit.
"Complete na po lahat, Doc. Naka-secure na po."
"Sigurado kayo?" muli kong tanong habang sinusuri ang mga kahon. "Yung mga vitamins, nandiyan na rin?"
"Yes, Doc. Pati yung mga samples at freebies, nandiyan na rin po."
"What about the personnel? Have everyone arrived?"
"Dito na po lahat maliban kay Nurse Van. Hindi pa po siya nagre-reply sa mga tawag at text ng mga kasama niya, Doc."
Bahagya akong napakunot-noo.
"Did he cancel his enlistment for this medical mission?"
"Hindi ko po alam, Doc. Tanungin na lang po natin si Nurse Alia. Sila naman po ang madalas mag-usap."
"Inform Nurse Reyes. Tell her I need to talk to her now."
"Sige po, Doc."
Umalis na siya para hanapin si Nurse Alia.
Ako naman ay patuloy na nag-double check ng mga kahon na nakalagay na sa van.
Checking that every medical supply and medicine is complete.
I can't mess this up.
Kailangan kong patunayan kay Papa na I deserve to be in this hospital.
Na karapat-dapat din akong dalhin ang apelyido na Javier sa propesyong ito.
I have to prove to his family that I'm not just some charity case.
"Excuse me, Doc. Pinatawag niyo daw po ako?"
She's here.
I kept my face cold and expressionless.
Kailangan manatili akong suplado sa paningin nilang lahat.
"Why didn't you follow up where the hell is Nurse Van right now? Aalis na tayo at wala pa rin siya. Is he a VIP? Kailangan pa ba natin siyang hintayin bago tayo umalis?"
"Sorry po, Doc," sagot ni Nurse Alia. "Hindi ko rin po alam kung bakit wala si Nurse Van. Hindi niya po ako sinasagot kanina pa. Baka po may emergency lang."
"Punctuality is important for this job, Nurse Reyes. Sabihin mo 'yan sa kaibigan mo. Maghanda ka na. Aalis na tayo."
"Yes, Doc. Hindi naman po ganun si Van. He's never late sa trabaho. Baka po may nangyari lang talaga kaya hindi siya nakarating."
"Wag mo nang pagtakpan ang lapses ng kaibigan mo. He's being unprofessional."
"Sorry po, Doc."
Tahimik siyang umalis at sumakay sa van na nakatalaga para sa mga nurses at nursing aides.
Kanina pa kami nag-headcount.
Sampung doktor ang sasama, kabilang na ako.
Dalawang Internal Medicine doctors.
Dalawang Pediatrician.
Dalawang Gynecologist.
Dalawang Family Medicine doctors.
Dalawang Psychologist.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomansaSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)