Kabanata 45: A Quiet Escape

14 2 0
                                        


Bella's POV

Naalimpungatan ako sa tunog ng mga alon at mabangong hangin. Nasa port na pala kami ni Keelan, at sasakay na kami sa Roro para sa islang sinasabi niya.

Kanina pa siyang nagmamaneho, malalim pa rin ang iniisip.

"Ayos ka lang, Kee? Hindi ba nangangalay ang braso mo, kanina ka pa nagmamaneho?" tanong ko habang inaabot ang pagkain kay Shadow.

Baka nagutom na siya—mahaba na ang biyahe namin.

"Ayos lang ako, Bells. Medyo malapit na tayo sa rest house. Magpapahinga rin ako pagdating natin," sagot niya, seryoso pa rin.

"Malalim ang iniisip mo ah... may problema ka ba, Keelan?"

"Wala... napapaisip lang ako kung hindi ko ba pagsisisihan na umalis tayo, at hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin," sabi niya, tahimik at malalim ang tono.

"Bakit nga ba hindi mo maamin kay Alia na gusto mo siya, Keelan? Ano bang kinakatakot mo?"

"Magulo at delikado ang trabaho ko, Bella. Ayokong madamay siya. Mas ligtas siya kasama ni Aden dun sa Valencia."

"Bakit ikaw ang nagdedesisyon para diyan, Kee? Hindi ba puwede kausapin mo muna si Alia at pakinggan ang side niya? Malay mo, puwede pang gawan ng paraan. Kaya mo naman siyang protektahan, diba?"

"Kaya ko nga nilihim 'to para maprotektahan siya. Saka, pag maayos na lahat at wala nang gulo, magtatapat ako sa kanya, Bells."

"Paano kung sa panahon na 'yun, meron nang nagmamay-ari sa kanya, Kee? Paano ka na?"

"Kung ganun man ang mangyari, wala na akong magagawa. Tadhana na lang ang bahala sa amin ni Alia. Kung para talaga siya sa akin, pagdating ng araw, mangyayari 'yun."

"Sana nga, Kee... sana nga may panahon pa kayong dalawa na maging masaya. Kahit kayo na lang dalawa ni Alia... magiging masaya na ako," sabi ko, may bahagyang ngiti pero mabigat ang puso.

"Anong ibig mong sabihin diyan... sumuko ka na kay Kendrick, Bells?"

"Ewan ko, Kee. Hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon eh. At kung magkikita pa rin kami muli... bahala na kung anong mangyari."

Mas okay na rin siguro ito. At least, hindi na siya paparusahan ng Lolo niya dahil sa akin. At hindi na rin madadamay ang mga kaibigan ko.

Ito ang mas makakabuti para sa lahat. Babalik din sa normal ang buhay nila... parang noon, hindi pa nila ako kilala.

Mas pagtutuunan ko na lang muna ng pansin ang ALS exam ko.

Bigla kong naisip—lahat halos ng kwento ko, alam na ni Keelan. Pero wala kaming kaalam-alam tungkol sa buhay niya, maliban sa trabaho niya.

"Kee, pwede magtanong? Wala ka bang ibang pamilya? Pasensya ka na... wala kasi akong ibang alam tungkol sa'yo eh."

"Meron... may nanay pa ako, Bells."

"Nasaan siya?"

"Nasa States... minamanage ang naiwan business ni Papa," maikling sagot niya.

Kaya pala minsan nadudulas siya magsalita ng English, at maganda ang accent niya... parang kay Kendrick din.

"Hindi mo ba siya namimiss? Never mo siyang namention sa amin eh."

"That's part of my identity protection as a Scout Ranger, Bells. Kailangan isipin nila na Lone Wolf ako... para wala silang magagamit laban sa akin."

"Wala ka bang ibang kapatid? Hindi mo ba naisip dalawin ang mama mo dun?"

"Ako lang mag-isa ang anak nila. 9 years old lang ako ng mamatay si Papa. Business crime... mga competitor niya sa negosyo ang nagpapatay sa kanya. Mabuti na lang at hindi kami kasama ni Mama sa sasakyan na yun. Kundi, lahat kami patay na ng gabing yun."

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon