Kabanata 11: Shadow Rescue

27 2 0
                                        

⚜️ Aden ⚜️

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Takot, kaba, at awa sa mga kasama kong nabihag ng mga rebelde.

Pagod na pagod kami at gutom na gutom, pero nangingibabaw sa amin ang takot para sa aming buhay.

These guys are criminals, at hindi ko kayang isipin kung anong puwede nilang gawin sa amin.

Binigay naman namin sa kanila lahat ng gusto nila paglusob nila sa medical mission.

I thought they only wanted medicine and supplies, pero hinostage nila kami at dinala dito.

"Doc, alam ko papatayin nila tayo," bulong sa akin ng nurse na kasama kong nakatali dito sa gitna ng hideout nila.

"We have to stay strong, at sundin sila para di nila tayo saktan," mahinang sagot ko sa kanya.

We have to stay strong until rescue reaches us kung meron man magliligtas sa amin dito.

Sino ba sila? Why are they doing this? At bakit kami hinayaan mag-medical mission dito if this place was dangerous?

Kasalanan ko 'to eh.

I didn't research this place before bringing my personnel here. Ako ang nagdala sa kanila sa peligro.

Sir would be so disappointed in me. Alam kaya nila ang nangyari sa amin dito?

Gulong-gulong ang isip ko nang may mapansin akong gumagalaw sa bandang likod namin.

Sa sobrang dilim, di ko makita kung ano 'to. Ahas siguro sa sukal ng gubat na to, hindi malabong may mga venomous snake dito.

Bigla akong may naramdaman, mahinang nudge sa likod ko.

Pag lingon ko, parang may hugis ng aso akong naaninag.

They have a pet here? Sa sama nila, nakuha pa nilang mag-alaga ng aso dito.

Lumapit ang aso sa gilid ko at may biglang nalaglag mula sa bibig niya. Nang makita kong ano 'to, agad ko itong inabot at tinago sa likod ko.

Bigyan ako ng aso ng maliit na kutsilyo. How strange is that.

Dahan-dahan ko siyang naaninag na gumapang pabalik sa pinanggalingan niya. That dog must be trained.

Nabuhayan ako ng loob. Maybe help is on the way. Maybe the military is on their way here to save us.

Dahan-dahan ko kiniskis ang kutsilyo sa lubid na nakatali sa kamay.

"Boss! Hindi pa ba natin kakainin tong mga chicks dito? Naglalaway na ko sa kanila... Ang kikinis oh! Ang sexy! Ang sasarap!" bigla sabi ng isang nagbabantay sa amin.

Lalong natakot at nag-iyak ang mga kasama kong babae sa sinabi niya.

Naramdaman kong lumuwag na ang tali sa kamay hanggang sa tuluyan itong maputol at malaglag.

Agad kong kinalagyan ang katabi ko.

"Wag kang magpahalata," mahinang bulong ko sa kanya habang pinuputol ang tali sa likod ng kamay niya.

"Pili ka ng isa dyan tapos dalhin mong langit," sagot nun boss nila sa loob ng tulda.

I'm not stupid para maintindihan ang gusto nilang gawin sa mga babaeng bihag nila.

Lalo kong binilisan ang pagputol ng tali ng kasama ko. I hope help is on the way. Baka wala na silang maabutang buhay sa amin.

"Wooooh ito boss ang laki ng dibdib!" biglang hila niya sa staff namin.

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon