⚜️Bella⚜️
Hating gabi. Sobrang lakas ng ulan, kasama ang nakakatakot na kulog at kidlat...
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Pinapaulanan ng bala ang bahay namin.
"Isabella! Biliss! Gumapang ka sa sahig palabas rito sa bahay!" nag-alala si Papa bago ako habutin sa aming higaan.
Agad niya kaming tinulak ni Mama palabas, ngunit huli na ang lahat. Pagbukas namin ng pinto sa likod, sunod-sunod na putok ng baril ang tumama rito.
"Yung anak natin... hindi siya pwedeng mamatay. Iligtas natin si Bella, mahal!" natatakot na sabi ni Mama. Agad akong hinila ni Papa sa ilalim ng lutuan. Pilit niyang tinakpan ang katawan ko ng mga sako at pangatong.
Itinago niya ako kahit alam niyang imposibleng makatakas kami sa mga rebelde.
"Pakiusap, anak... wag kang gagawa ng ingay kahit anong mangyari."
Hindi rin nagtagal, narinig ko ang pagkalabog ng pinto namin, kasunod ang malademonyong boses ng isang lalaki.
"Hindi mo ko matatakasan!"
Narinig ko ang pagkasa ng baril at ang sigaw ng aking ina.
"WAGGG! MAAWA KA SAMIN, COBRA! Hindi totoo ang bintang nila sa amin! Hindi kami assets ng kapulisan. Tapat kami sa kilusan!" umiyak si Mama.
"Tingin mo, may pakialam ako kung totoo o hindi? Paano ba yan, paalam mga trydor!"
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.
"Waaag!! WAGGGGGG!!!" nabalikwas ako at nagising.
"Bella?! Anong nangyayari sayo!"
Panaginip. Isang masamang panaginip.
Nang tuluyan kong maaninag kung nasaan ako at sino ang humahaplos sakin...
May liwanag na... Hindi ako pwedeng nandito. Kailangan kong bumaba... Kailangan kong magtago. Makikita nila ako dito! Kailangan kong umuwi sa Kubo! natatarantang isip ko, nanginginig sa takot habang tinatangal ang hawak ko.
"Shhhhh, Bella, ligtas ka rito! Walang makakapanit sayo!" agad akong niyakap ni Nurse Alia.
"What the fuck is happening to her!" nataranta si Kendrick ng pumasok siya sa kwarto at nakita akong nagpupumiglas.
Nilapag niya lang sa sahig ang supot na dala niya.
"Hindi ko alam, Ken... nagising siya at biglang ganito. Siguro nag-panic attack siya." dalawa na silang pumipigil sakin.
"Hey, calm down. Take a deep breath. You're safe here. Malayo na tayo sa Gubatnon." sabi ng lalaki sakin.
Arf. Arf. Arf. Lumapit si Shadow sa higaan ko.
Dahan-dahan akong kumalma nang makita ko siyang nandito sa kwarto.
"Uuminom ka muna, Bella." Kinuha ko ang baso na inabot niya at umayos sa upo.
Nang kumalma na ako at hindi na nanginginig, huminga ako ng malalim at naalala kung sino silang dalawa.
"Na-saan ta-yo?" mahinang sabi ko habang hinihimas ang ulo ni Shadow.
"Nasa hospital tayo. Dinala ka namin dito nang mabaril ka. Hindi mo ba maalala?" tanong ni Alia sakin.
Unti-unti, nanumbalik sa akin ang alaala ng nangyari. Kasama ko si Keelan at tumatakas kami kasama ng mga hostages mula sa Cobra sa Gubatnon.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]
RomanceSynopsis: In a world where fear comes in many forms ghosts, snakes, darkness. Isabella Blanza fears only one thing: humans. Because she has seen what they are capable of. Growing up surrounded by violence, betrayal, and bloodshed, Isabella learne...
![ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/342899268-64-k471544.jpg)