CHAPTER 16: Safe Haven

18 2 0
                                        


⚜️Bella⚜️

Mag-iisang buwan na ako dito sa hospital, at nag-aalala pa rin ako sa kwarto na in-assign nila Ali para sa akin.

Alam kong mahal nila ako. Mabilis lang lumipas ang mga araw, at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.

Lagi nila akong pinapatawa sa mga kwento nila tungkol sa kani-kanilang buhay noong bata pa sila.

Si Ali naman, lagi niyang tinutulungan ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Tinuruan niya ako kung paano gumagana o gagamitin ang mga bagay na karaniwang ginagamit dito sa Valencia.

Nasa laboratory siya ngayon, kinukuha ang mga results ko. Lagi kasi pinapa-monitor ni Doc Aden ang dugo ko at kung may infection sa katawan.

Tumunog ang phone ko. May text galing kay Kendrick.

"I'm done with my class today. Punta lang akong condo, I'll go there. You want something, Bels?" tanong niya.

"Wala, ingat ka na lang papunta dito, Ken," reply ko.

Bumukas ang pinto ng room ko at pumasok si Ali na may dalang papel galing sa laboratory.

"Bells! Normal na lahat ng results mo. Feeling ko, pwede ka na ma-discharge ni Doc!" Masayang sabi niya pagkapasok niya.

"Mabuti naman kung ganun... Medyo nabobored na din kasi ako dito."

"Kahit ako din naman noh, grabe... almost a month na din pala nakalipas."

"Wala pa din bang balita kay Sir Keelan?"

"Wala eh... huling usap namin, three days ago. Tapos sabi niya going dark daw. Ano kaya yun?"

"Baka nasa delikadong parte na siya ng mission. Ipagdasal nalang natin na safe siya at mahuli na nila si Cobra."

"Oo nga... pag naririnig ko talaga pangalan na yan, kinikilabutan ako, Bells. Para talaga siyang sugo ni Satanas dito sa Lupa."

"Alam ko... darating ang araw na pagbabayaran niya din lahat ng kasalanan niya. Mabibigyan din ng katarungan ang mga naging biktima ng kasamaan sa Gubatnon."

"Mahuhuli din siya ni Keelan, Bells... mabubulok siya sa kulungan."

"Zup, ladies! May dala akong pizza (^___^)" Dumating si Ken, may bitbit na pagkain.

Lagi niyang ginagawa yan pag pupunta siya dito galing sa school—lagi siyang may dalang pagkain kahit anong oras pa siya makapunta.

"Alam mo, Ken... ang hirap mong kaibigan. Nakakasira ka ng diet, eh. Bells, gusto mo?" reklamo ni Ali, sabay kumuha ng isang slice at kumagat.

"Whoever invented the word diet anyway? Kaya nga may pagkain para kainin. Hawaiian or pepperoni, Bells?" tanong ni Ken sa akin.

"Hawaiian na lang." Kinuhanan niya agad at inabot sakin.

"So, how's school, Ken?"

"Accounting sucks, Ali! Why would we even need that subject sa tourism?" reklamo pa niya.

"Same question! Ano pang kinalaman ng balance-balancing na yan sa nursing? Mag-aalaga lang naman kami ng may sakit. Buti nalang talaga na survive ko yung college life, T^T," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Good for you. I still have 1 year though. Maybe I should really take the business course in the first place."

"Laaah! Mas malala pa nga accounting sa business course eh."

ARROWS OF THE FOREST [ON-GOING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon