Sarap hambalusin ng tubo ang napaka-gentleman na lalaki sa harap ko. Ako ba naman ang pinagdala ng mga gamit niya na ginamit sa ospital! Kahit na nag-offer na si Jerry na siya na ang magdadala dahil sa dami nito at ako nalang aalalay sakanya sa paglakad ay 'di ito pumayag dahil gusto niya daw eh ako ang madala.
Wala narin naman nagawa si Jerry dahil sa katigasan ng ulo ng lalaking ito. Spoiled brat!!! Grrrrrr!!!!
Di ko rin maintindihan kung bakit hindi nagulat o nagtaka man lang si Jerry na kasama ako ni Zed ngayon. Siguro nabanggit ni Zed yung tungkol sa atraso ko sa kanya.
"Ang bagal mo ano ba?" Sigaw nito habang pasakay na ng kotse.
Aba'y di naman siguro siya bulag para makita ang bitbit ko noh?
"Sorry ah ang gaan kasi ng mga gamit mo!"
Nakita kong akmang pupuntahan ako ni Jerry pero pinigilan ito ni Zed, he looks at me with an apologetic smile saka sumakay sa drivers seat.
Bwiset talagang lalaking 'yon.
"Magkaroon lang talaga ko ng pagkakataon kakalbuhin kita."
Badtrip, ang bigat talaga ng dala ko. May backpack sa likod ko, i carry a sports bag on my right shoulder at may mga bitbit pa akong mga paperbag plus my shoulder bag on my left shoulder.
It was Sunday, halos one week siyang na-confine sa ospital buti nalang at walang major injury siyang tinamo kung hindi mas mahaba pang paghihirap ang dadanasin ko. Every time na wala akong pasok or after my classes pumupunta ako sa ospital, di ako makalusot since di ko malaman kung paano niya nalaman ang buong schedule ko. Ginawa niya lang naman akong alipin, utos dito utos doon.
"Hoy ipagbalat mo ko ng orange."
"Hey buy me a pizza."
"Get me some water"
"Give me my medicine."
"Turn on the TV."
"Call the nurse." Kahit na may intercom naman.
Etc....
Buti nalang at nakakalusot ang mga alibi ko sa parents ko dahil sa halos araw-araw kong pag-uwi ng late. Naikwento ko rin ay Janna ang nangyari at ayun kinikilig imbes ng damayan ako sa kamalasan na nangyari sa'kin.
Kung masama lang talaga akong tao nilagyan ko na ng lason ang pagkain ng lalaking yan. Badtrip!
Nang malapit na ako sa kotse ni Jerry nagulat ako ng bigla itong umandar. Wala na akong nagawa at naiwan akong tulala.
Did they just left me? What the eff!!!
Feeling ko lahat ng dugo ko ay umaakyat sa ulo ko sa sobrang galit!
Alam kong pakana nanaman ito ng lalaking 'yon. Makakatikim talaga sa'kin ng flying kick ang lalaking yun swear!!
After a few seconds naka-receive ako ng text mula sa bwiset na lalaki.
Ang bagal mo. Bring my stuff at 12th floor Unit 123 12th ave. Davidson Tower.
Ang kapal talaga ng mukha!! Wala na ngang ka-trace trace sa dugo ng pagiging gentleman napaka walang hiya pa! Di ko ma-gets kung ano nagugustuhan dito ng mga babae.
I called a taxi and thank goodness alam ng driver kung saan ang address na yun. Makikita talaga ng lalaking yun! Kakalbuhin ko talaga siya!!!
Bitbit ang mga gamit nito sumakay ako sa elevator ng Davidson tower papuntang 12th floor. Mukhang mayaman ang lalaking ito, nakatira sa condo. Hindi naman ako sinita ng guard mukhang naabisuhan naman ni Zed na pupunta ako.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Teen FictionA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...