Chapter 9: Meet the Parents

2K 57 0
                                    

Sobrang busy ang utak ko sa pag-iisip kung ano ang gagawin ko dahil makikilala ko lang naman ang tatay ng lalaking di ko naman talaga boyfriend. Di ko alam kung paano ako aakto na girlfriend ng lalaking 'to? Eh never pa nga nga ako nagka-boyfriend in my entire existence.

"Hoy! Magda-drive ka?!" Biglang nabaling ang atensiyon ko sa paghawak niya sa manibela.

"Hindi." Pilosopong sagot sa'kin ni Zed.

Nataranta ako at pinigilan ko ang kamay niya siya sa pag-start ng engine.

"T—teka! Seryoso ka?! Magaling na ba ang paa mo?" Hindi niya ko pinakinggan, tinabig niya nag kamay ko and started the engine.

"Hoy gusto ko pang mabuhay! "

Di parin niya ako pinakinggan at pinatakbo na ang sasakyan.

Natatarantang isinuot ko na lang ang seatbelt dahil mukhang gusto na nitong pumunta ng kabilang buhay sa bilis ng pagpapatakbo. Nananadya talaga ang lalaking 'to!

"Hoy Zed! Uso ang salitang Slow down promise!"

Hindi parin niya ako pinakinggan at diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Sobra talaga akong natatakot sa pagpapatakbo niya.

"Bingi ka ba!? Sabi ko Slow down!!!"

Muntik nang masubsob ang mukha ko sa dashboard, buti na lang at nakapagsuot ako ng seatbealt dahil bigla na lang siyang nagpreno.

"Can you shut your mouth up?! Your annoying voice is distracting me!"

"Eh ang bilis mo magpatakbo eh! Kung gusto mong magpakamatay huwag mo ko idamay!"

"Do you think I'm an idiot to let us get killed?!"

"Eh ano pa bang—"

"Shut up!" Sigaw niya sa'kin.

Umirap na lang ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. "Tsss! Malamang idiot ka, naaksidente na nga di pa nadala..."

"Are you saying something?"

"Wala! Ang sabi ko bilisan mo pa ang pagpapatakbo ang bagal eh!"

Bigla niyang pinaandar ang sasakyan at mas binilisan pa nga talaga ang pagpapatakbo.

Walang hiya talaga ang lalaking 'to mapapatay ko talaga 'to mamaya!

Pinikit ko nalang ang mata ko para di ko makita kung gaano ka bilis ang pagpapatakbo niya. Feeling ko mamamatay ako sa nerbyos anytime.

"We're here."

Minulat ko naman ang mata ko at nakahinga ako ng maluwag. Naka-park na nga ang kotse niya.

Agad kong binatukan si Zed at nakakunot ang noo na tumingin siya sakin.

"What the hell did you do that for!?!" he yelled at me.

"What the hell ka rin!!! Halos mamatay na ako sa nerbyos sa sobrang bilis ng pagpapatakbo mo!" I yelled back. Halos ten minutes lang 'ata ang itinakbo ng sasakyan at nakarating agad kami dito.

Nakapagtataka dahil hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tahimik lang ito, itinuon ang mata sa labas at huminga ng malalim.

"Whatever Dad tells you, just ignore them." Seryoso niyang sabi pero diretso lang ang tingin niya.

"Bakit naman?"

Tumigin siya sa akin. "Don't ask just do what I'm telling you to do."

Suplado!

Bumaba narin ako ng kotse ng bumaba siya. Nasa Clark City parin pala kami.

Dito kami sa part ng Clark City kung saan maraming restaurant at high-end hotels. Sumunod lang ako sa kanya since di ko naman alam kung saang restaurant kami mag-didinner date.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon