Chapter 11: Make it real

1.9K 50 0
                                    

Kahit masakit na ang pulso ko sa higpit ng pagkakahawak at pagkaladkad sakin ni Zed ay hindi ako umimik. Mahirap na dahil mukhang any time ay magbubuga ito ng apoy at kitang kitang ko ang pamumula ng tenga nito dahil sa galit.

Napayuko nalang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Lagot na, siguradong kakalat to sa buong University. Bahala na nga lang si batman!

Tumigil ako sa paglalakad nang huminto siya at pag tingin ko sa paligid ay nasa parking lot na pala kami  at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatingin parin sa amin.

"Get in the car!" Utos nito.

"T—Teka, saan tayo pupunta?"

"Don't ask, just get in the car." Masungit parin na sabi niya. Saan naman kaya kami pupunta? Bwisit kasi bakit di na lang niya sabihin.

"Saan nga tayo pupunta? May pasok pa ko eh!" Pagdadahilan ko. Ayaw kong lalong lumaki ang issue, eh kinaladkad na niya ko tapos makikita pa ng iba na isasakay niya ako sa kotse niya?

"Oh really?" Naglakad siya papalapit sakin kaya napa-ataras ako at napa-sandal sa kotse.

Shems! Nagririgodon nanaman ang puso ko dahil sa sobrang lapit niya sakin at halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Well, let me tell you two things." Seryosong sabi niya habang nakatigtig sa mga mata ko.

Di ko na alam kung dahil ba sa sobrang lapit niya sakin o dahil sa takot sa sobrang seryoso niyang expression kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Or maybe both?

"First," Hinawi niya ang buhok sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko. My heart raced crazily, feeling ko any time hihimatayin ako. "you're not good at lying."

Lagot. Masyadong ba talagang halata kapag nagsisinungaling ako?

"And second, I know your schedule." Napalunok ako. Bakit ko ba kasi nakalimutan na alam niya ang schedule ko? Badtrip!

"So get in the damn car!"

"S—sabi ko nga papasok na ko."

Dali dali akong pumasok sa passenger's seat at nakahinga ako ng maluwag nang pagkapasok ko. Nakakatakot talaga ang lalaking 'to kapag galit .

"Saan ba talaga kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa kotse.

"Away from here, can't you see that there are lots of eyes watching us? Or would you rather like it that way?"

"Sabi ko nga doon tayo sa malayo."

Isinuot niya na ang seat belt niya and started the engine. Ngunit bigla akong naalarma nang maalala ko ang pagpapatakbo niya kahapon kaya awtomatiko kong nahawakan ang kamay niya na nakahawak sa manibela. "Wait! Magda-drive ka na naman?"

"Gusto mo ikaw ang mag-drive?"

"Eh—"

"My foot is okay, so drop it!" Putol niya sa sasabihin ko.

Tumahimik nalang ako. Mukhang okay na nga ang paa niya. Sugat na lang sa braso ang mayroon siya. Sa wakas malapit na ako makawala sa kumag na 'to. But somehow i feel sad at that thought. Pero okay na rin yon para di na lumala pa ang nararamdaman ko ngayon para sa lalaking 'to. Mukhang wala rin namang pag-asang makasundo ko siya kahit isang minuto lang.

Bakit ba kasi siya pa? Stupid heart !

"What's your address?" Tanong niya sakin pagkalabas namin sa gate ng school.

Teka, tama ba nag narinig ko? tinatanong niya ang address ko?

"You're asking for my address?"

"No. I'm asking for my address. Idiot." Pilospong sagot niya. Ang sarap talaga batukan!

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon