Chapter 20: Excursion Part 1

1.9K 52 0
                                    

Napa-nganga ako nang makita ko ang bitbit na gamit ni Janna.

"Yung totoo babae... Naglayas ka ba?"

Paano eh one week lang naman kami mag-istay sa resort nila Jerry para sa club excursion eh parang dinala na niya buong kwarto niya.

"Eh kasi nman babae di ako maka-decide ng mga pang OOTD na dadalhin ko kaya ayan..."

Napabuntong hininga na lang ako.

Nasa harap kami ng isang convenience store sa labas lang ng village nila Janna para hintayin sila Mica na sunduin kami.

Since yung ibang club members ay maarte nag-kanya kanya silang dala ng sasakyan pero kami nila, Mica, Scott, Jerry at Kirby ay nagdecide na magsama na lang sa Van nila Mica.

May bumusinang sasakyan kaya napalingon kami. Mukhang 'yon na ata ang Van nila Mica.

"Hi girls!" Bati ni Mica, kumaway naman si Kirby na nasa drivers seat.

Lumabas naman mula sa Van si Scott. Ang gwapo niya sa suot niyang ripped jeans at simpleng white t-shirt with matching sun glasses pa.

"Luh! Kala ko si James Reid." Biro ko.

"I'll take that as a compliment." Sabi naman niya sabay kindat.

"Baliw!"

"Hoy! Mamaya na kayo mag-lambingan diyan tulungan niyo kaya ako sa gamit ko noh?"

Napakamot naman sa batok si Scott at kinuha ang isang bag ni Janna.

"Akin na rin yang bag mo." Alok niya.

"Wag na kayang kaya ko naman 'to."

Nakakapagtaka naman dahil wala sa loob ng Van si Jerry. Akala ko eh buo na ang usapan na magkakasama kami?

"Asan si Jerry?" Tanong ko.

"May dadaanan lang daw siya. Mauna na lang daw tayo." Sagot ni Mica.

So kaming lima lang talaga ang magkasama sa Van. Si Kirby ang driver namin at katabi niya si Mica kaming tatlo naman ay aalog-alog sa likod.

Si Zed? Missing in action. Wala akong balita kung sasama sa excursion.

Si Janna ay na sa pinaka likod ng Van. Matutulog daw kasi siya kasi ang aga niyang nagising kaya antok pa. Kaya ang ending ay kaming dalawa ang magkatabi ni Scott.

Sanay na rin naman akong laging katabi at kasama si Scott pero ewan ko ba kung bakit recently ay naco-concious ako kapag kasama siya.

"Inaantok ka rin ba? Pwede kang matulog if you like." Sabi niya.

"Okay lang. Di naman ako kasing excited niyang si Janna na ang aga-agang nagising"

"Halata ngang excited masyado." Pabulong niyang sabi. "Mukhang di nga yata yan natulog eh."

Natawa naman ako kasi mukhang takot 'tong isang 'to kay Janna.

"Sinabi mo pa."

Pero di naman awkward sa pakiramdam kapag nag-uusap na kami. Baka lang kasi sa panunukso ng mga kasama namin kaya ako medyo nahihiya na sa kanya.

Di ko namalayang nakatulog pala ako at nagising na lang ako ng naramdaman kong may humaplos sa buhok ko.

"Were here sleepy head." Nakangiting mukha ni Scott ang nakita ko.

Napa-ayos ako ng upo nang marealize ko na nakatulog ako nang nakasandal sa balikat niya.

Gosh!

Pagtingin ko sa paligid ay nakahinto na nga ang sasakyan at mukhang nasa resort na kami.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon