Chapter 6: His Cute Side

2K 57 2
                                    

Naka-ilang katok na ako sa pinto ng unit ni Zed pero wala paring nagbubukas.

May tao kaya sa loob? Baka pinaglololoko na naman ako nitong lalaking ito.

Maya-maya ay nagbukas ang pinto, it was Zed and he looked so awful.

Is he sick?

"Ang tagal mo. What took you so long?"

Wow sorry naman at ang lapit lang ng bahay ko.

Pumasok ako at siya naman ay dumiretso ng higa sa kama.

"Are you sick?" tanong ko.

"I'm not. I'm just feeling a bit off, make me some porridge."

Anong pagkakaiba nun? Tsss!

Sumunod ako sa kanya at sinipat ang noo niya. Ang init.

"Ang taas ng lagnat mo!"

Tinabig naman niya ang kamay ko. Arte naman ng lalaking ito.

"Just make some porridge will you?"

Sungit!

Di nalang ako umimik, dumiretso ako sa maliit na kusina and started to cook porridge. I kept on thinking on how to help this guy, pero wala talaga akong maisip na paraan. Sa ugali palang niya malayo nang magkasundo kaming dalawa.

"Here's your porridge." Nilapag ko ang dala kong porridge sa side table malapit sa kama niya kasama ang orange juice.

"Okay. I'll eat it in a bit." Matamlay nitong sabi.

I looked at him and he look so helpless right now. May band aid pa siya sa noo at may bandage pa yung sugat niya sa may braso at paa. I guess it will only take a week or two at gagaling narin mga sugat niya.

"Di na yan masarap kainin kapag malamig na."

"Di naman ikaw ang kakain, just leave it there."

Aba may sakit na nga ganyan pa umasta.

"Bumangon ka na diyan at kumain."

"You're so annoying."

"Same to you kaya bumangon ka na."

Kung wala kalang sakit ngayon sinipa na kita eh!

Inalalayan ko siyang maka-upo sa kama.

Masunurin naman pala ang lalaking ito eh.

"Susubuan na kita."

"No. I can manage."

Sus inalala pa ang pride.

"I can manage mo your face! Eh halos 10 years nga bago mo ako napagbuksan ng pinto kanina."

Di ito umimik at hinayaan nalang akong subuan siya.

I couldn't help but smile, ngayon ko lang nakitang ganito ang lalaking 'to. He was like a little boy right now, so helpless at napaka masunurin.

"Stop smiling, it's giving me creeps."

Tsss. Napaka antipatiko parin kahit na may sakit.

"Last na subo na oh! Ubusin mo na."

"Ayoko na."

"Arte mo! eh last na rin namang subo 'to eh."

"Ayaw ko na nga kasi, ang kulit mo!"

"Tatawagan ko si Kuya Alex at papupuntahin ko siya dito kung hindi mo kakainin 'to."

"Jeez, you're so annoying!" Sagot nito pero kinain din ang isinubo ko na porridge. Haha! May pagka-cute din itong isang 'to. Ngayon may panlaban narin ako sa kanya.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon