Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako sa sasabihin ni Scott.
Naku baka tungkol 'yon kanina nung nahalikan ko siya sa lips? Eh hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Dapat ba akong mag-sorry? Hala. Tsk.
"Uhm....Sophie?" tinitigan niya ako. Hindi naman siya mukhang galit, mukha lang siyang.... tensed?
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
"P-wede ako muna magsalita?"putol ko sa sasabihin niya.
"S-sure. Go ahead."
"T-tungkol kanina, 'yong ano.. 'yong..." Napakamot ako sa ulo ko. "alam mo na 'yon. S-sorry di ko sinasadya."
Ngumiti naman siya. "I know, and ako dapat ang mag-sorry eh.."
"Huh?"
"Ang totoo kasi niyan eh... bigla kasi akong gumalaw just to check what taking you too long and I wasn't expecting what happened next." Halatang nahihiya siya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. "Gosh... Thank goodness! Akala ko kasi galit ka sakin eh."
"What-Ako? Magagalit sayo? "
"Kinakabahan kasi talaga ako kanina pa eh."
"Silly..."
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Tanong ko.
At ayun bumalik nanaman 'yong pagka-tense niya. Anong merun?
Huminga siya ng malalim. "Sophie..."
Splash!
Sabay kaming napalingon ni Zed sa may pool.
"Zed?"
Nasapo ko ang dibdib ko. Nagulat talaga ako, akala ko eh umalis na siya kanina pa?
And he's really swimming at this very hour? Alas dos na ata ng madaling araw at ang lamig pa ng tubig?
Baliw na ba 'to?
"Oh... May tao pala." He said so casually habang nakasampa sa may gilid ng pool. "Mags-swimming din kayo?"
"Swimming? At this hour?" Scott said in disbelief.
"Bakit masama ba?"
Scott looked at him then looked at me suspiciously.
"I'm not with him!" Awtomaktiko kong nasabi.
"Tch. Not with me huh?" he scoffed.
Anong problema niya? Tssss. Siya nga 'yong biglang lumayo sakin kanina nung marinig namin si Scott eh.
"Let's go inside Sophie. It's already late." hinawakan ni Scott ang kamay ko at hinila palayo.
Nagdadalawang isip naman ako kung kakausapin ko si Scott dahil ang tahimik niya, di ako sanay. Wala naman akong idea kung anong nangayari sa kanya, dahil ba 'to kay Zed? Talaga bang ang makita lang si Zed ay nakakapagpa-init na ng ulo niya?
"S-Scott?..."
"Hmmm?" sabi lang niya, di ako nilingon.
"A-ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Tanong ko. Walang ibang pumasok sa utak ko eh.
Napahinto naman siya sa paglalakad at humarap sakin.
He sighed then smiled. "Never mind. Maybe some other time... wrong timing kasi."
Wrong timing? Ang alin? Di ko ma-intindihan! "Eh?"
"Tara na. Pasok na tayo" Ginulo niya ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Teen FictionA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...