Chapter 5: His Past

2.4K 57 0
                                    

Hawak ko parin ang dibdib ko habang naglalakad palabas ng building, malakas parin ang kabog nito. Naka-register sa utak ko ang seryoso at galit na mukha ni Zed.

"Sophie!"

Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin.

Si Alex nakaupo ito sa table sa labas ng Starducks. Akala ko kanina pa siya umalis. Ano kaya ang ginagawa pa nito dito?

Lumapit ako sa kanya. Kung di siguro ako masyadong nashock kay Zed malamang pulang pula na ang mukha ko ngayon sa kilig.

"Kuya Alex, nandito ka parin pala."

"Yeah, I was actually waiting for you."

Huh? Bakit naman kaya niya ko hinihintay?

"Uhm... Let's have a cup of coffee first... but not here."

Is he asking me for a date? OMG!

Pero imposible parin. Stop daydreaming Sophia.

Gamit ang kotse niya pumunta kami sa isang Starducks café parin. Pero medyo malayo sa condo ni Zed. Siya narin ang pina-order ko ng para saakin. Ano kayang gustong pag-usapan nito ni Alex. I was really curious. Pwede ko kayang itanong sakanya ang tungkol sa relationship nilang magkapatid? Pero baka magalit din siya katulad ni Zed.

Sophie, sabi nga ng masungit na Zed na yun, that's none of your business kaya mind your own business.

"Here's your frappe. Sorry for dragging you out here."

"Okay lang."

Basta ikaw, kahit sa Pluto pa tayo pumunta go ako!

"So bakit mo nga pala ko niyaya dito Kuya Alex?" Tanong ko sabay ngiti.

"You know, I like you."

Muntik ko na maibuga ang nasa bigbig ko sa gulat. Anong sabi niya ulit? He likes me? For real? Sinabi niya nga na like niya ako?

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Not in a romatic way of course. Syempre di ko naman aagawan ng lovelife ang kapatid ko."

Tokwa, assumera ka kasi talaga Sophia.

Now I need to pretend na girlfriend niya ko at ang masaklap pa ay sa kapatid niya na saksakan ng gwapo. Hindi tuloy ako makpag-pacute. Tss!

"The first time I met you in the hospital I can sense that you can change something from him." Ah, he was talking about Zed.

Ano naman mababago ko sa lalaking yun? Inborn na ata ang pagiging masama ng ugali nun eh.

"I'm glad na natitiis mo ang ugali ng kapatid ko." He smiled.

Kung alam mo lang Alex, napatay ko na sa utak ko yang kapatid mo ng 100 times.

"Napakatigas ng ulo ng kapatid mong 'yon at wala ata sa dugo niya ang pagiging gentleman at sobrang yabangー" natuptop ko ang bibig ko. Oops! Masyado ata akong nadala ng emosiyon ko.

Natawa naman siya. "Yeah, he really is a stubborn guy." Kitams maging kuya niya aminado. "But he's kind. Hindi naman talaga siya ganyan dati."

'Yon mabait? Saang banda?

"As you can see, He's so cold towards me..." He said with sadness in his smile.

I guess I need not to ask him anymore about what happen between the two of them, siya na mismo ang magsasabi sakin.

"I can tell that he didn't mention anything to you about what happened?"

"Ayaw niya kasing pag-usapan yung tungkol sa inyo," sagot ko, which is true, and I guess I sounded like we are so close enough para di siya maghinala na di naman talaga ako girlfriend ni Zed.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon