Alas kwatro na sa wakas, uwian na at buti na lang walang activity sa club kaya makakauwi ako ng maaga kaso nga lang ay wala akong kasabay umuwi.
Si Scott may pasok pa hanggang 6pm si Janna ewan ko kung saang lupalop ng universe nagpunta.
Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at napabuntong hininga. Naalala ko nanaman si Zed, di ko pa nasasabi kay Scott ang kalokohan ni Zed. Ayokong itago ang tungkol doon pero natatakot din ako na baka lalong magalit si Scott kay Zed.
Anong gagawin ko?
And speaking of Zed simula ng pumunta siya sa bahay ay di nanaman nagparamdam, ni hindi nga pinapakita ang anino niya sa club eh. Tsss. Nakakainis.
Argh! Oo naiinis ako na di ko siya nakikita! Aaminin ko ng nami-miss ko rin ang pambubwisit niya sakin. Bwisit lang kasi talaga bakit sa kanya pa ako nagkagusto!?
"Gwapo niya talaga..."
Sino nanaman kayang lalaki ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko sa labas? May model nanaman kayang bagong salta sa University?
Tsss. Di na ko nasanay.
Napatigil ako bigla paglabas ko ng pintuan ng classroom namin nang makita ko kung sino ang nakatayo doon at pinagkukumpulan ng mga babae.
"What took you so long?!" Sigaw niya sakin.
Naglingunan naman sakin ang mga babaeng nakapalibot sa kanya, siyempre kasama na doon ang mga kaklase ko. Lahat sila kunot ang noo pero di ako nabahala sa mga reaksiyon nila kundi sa mukha ng gwapong halimaw na mukhang anytime eh magbubuga ng apoy.
"Ako kausap mo?" Turo ko sa sarili ko.
Alam ko namang ako ang kausap niya, gusto ko lang siyang asarin. Tsaka ano ba kasing ginagawa niya dito? Tsss.
"Hindi, yang pader ang kausap ko."
Kahit kailan talaga ang tino niyang kausap.
"Ah yun naman pala, sige goodluck kung sagutin ka niyang pader."
Asar! Grrrrr. Siya ang gusto kong asarin pero bakit ako ang unang naasar! Haaay!
Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
"Where do you think you're going?"
"Uuwi na malamang. Eh ikaw, akala ko makikipag-usap ka pa sa pader?"
He closed his eyes for a second and took deep breath. Hah! See malamang asar na rin yan.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at ang inaasahan ko talaga ay kakaladkarin niya ako gaya ng dati pero hindi iyon ang nangyari.
Hawak niya lang ang kamay ko habang wala siyang imik at dahan dahang naglalakad sa corridor, parang mag jowa tuloy kami na naka HHWW.
"H-hoy... Saan tayo pupunta?"
"Sabi mo uuwi ka na di ba? Ihahatid na kita."
Huh? Ako ihahatid niya?
"Okay ka lang? Anong nakain mo at ihahatid mo ko sa bahay?"
"Would you just shut up? Ihahatid kita sainyo coz' that's what suitors do, right? So stop asking."
Ang lakas ng boses niya, rinig na rinig ng mga estudyante sa corridor kaya nagsitinginan silang lahat samin.
Ano ba kasing trip ng lalaking 'to? Baka isipin nila totoo ang pinagsasabi niya, patay nanaman ako nito sa fangirls niya.
"Pwede bang pakihinaan naman yang boses mo?" I hissed.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Teen FictionA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...