Chapter 40: Roomate

1.7K 58 26
                                    

[Sophie]

Halos isumpa ko ang professor namin habang nag-eexam. Kasi ba naman kung kailan ang alis namin para sa club excursion ay saka naman siya nagpa-exam. His reason was that he'll be on a vacation next week kaya napaaga ang exam namin sa subject niya.

Ayun at naiwan ako.

Sabi ko naman ay susunod ako kaso baka magabihan na ako ng dating sa resort gawa ng 4:00pm pa talaga ang oras ng klase namin. Tapos magku-commute pa ako papunta doon. Ang saya di ba?

Though sabi naman ni Jerry ay may susundo sakin sa babaan ng bus sa bayan papunta sa resort nila kaya di na ko masiyadong nag-alala kung paano pumunta doon.

"Okay Class, see you a week after the next." Anunsiyo ng professor namin.

At last! The exam is done.

Nagmadali akong sumakay ng taxi papuntang bus station. Pagkasakay ko sa bus ay agad ko namang tinext si Janna na papunta na ako, dahil pinasabog niya lang naman ang inbox ko. Talo pa nanay ko kung mag-alala. Of course I also texted Scott and Jerry since isa din sila sa mga panay text sakin na akala mo isa akong bata na hindi marunong mag-commute, samantalang sila nga ata ang di marunong. Sigh.

It will take me three to four hours to get there, sana lang ay di ako na-huli sa mga kaganapan doon. Napa-isip nanaman tuloy ako kung sumama si Zed o hindi. Part of me wants him to join and part of me doesn't want him to, ironic. Nasisiraan na ata ako ng bait.

Pero sana hindi siya sumama. Di ko maeenjoy ang excursion na nadoon siya at iniiwasan ko. Ugh! Ang gulo ko!

Almost 8:00 pm na ako nakarating sa sinasabi ni Jerry na terminal sa bayan at nagulat pa ako nang makita si Scott na nakangiting kumakaway sakin. Napangiti na lang din ako. Agad niya akong nilapitan at tinulungan sa dala kong bag.

"Glad you safely arrived." He said patting my head.

"Tsss. Mas marunong pa po ako mag-
commute kaysa sa inyo 'noh."

He chuckled. "Right."

Dala niya ang van nila Mica na dati naming dala last time na mag-karoon din ng club excursion. Inaasahan ko na kasama niya si Janna pero mag-isa lang pala siyang sumundo sakin.

"Bakit ikaw lang ang sumundo sakin?" Tanong ko sa kanya pagpasok ko sa passenger seat.

"Busy na kasi sila doon." sagot naman niya.

Siguro nga. Kasi di naman nag-paaiwan ang isang 'yon kapag ganito eh.

"Buti alam mo na ang daan dito?" Puna ko. Alam na alam kasi niya ang dinadaanan namin.

"One of my uncle owns a resort just near Jerry's, kaya kabisado ko narin dito."

"Ah.." tumango-tango nalang ako.

Sila na nag may mga pamilyang mayayaman.

Panay tanong ko lang kay Scott kung ano na ang mga ginawa nila habang nasa biyahe kami. Siguro mga fifteen minutes din kami sa biyahe bago nakarating sa resort.

Sabi ni Scott ay may barbeque party sa gilid ng pool ngayong gabi kaya malamang halos lahat ng members ay naroon na.

Pagpasok nain sa lobby ng hotel ay nakasalubong namin si Mica at Jerry.

"Sophie, glad you made it." Salubong ni Mica sakin sabay beso.

"Guess Mr. Lover boy here is happy now." Biro naman ni Jerry kay Scott giving him a playful punch in the arm.

I saw Scott's ear turned red. Guess he's embarrassed.

"Jerry stop it. Can't you see that you're making them feel uncomfortable?" Saway naman dito ni Mica.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon