Chapter 33: Why

1.4K 42 0
                                    

"Anak nasa baba si Zed." Rinig kong sabi ni Mama pero di ko parin minulat ang mata ko.

Antok na antok parin ako, kasi naman di ako makatulog kagabi. Bwisit kasing Zed na yun may ka-sweet-tan din pala na tinatago sa katawan. Halos di ako pinatulog, tawag ng tawag eh magkasama naman kami buong maghapon. Sinamantala lang naman kasi niya yung araw na wala akong pasok at ayun di rin pumasok para makasama daw ako. Oh di ba?

"Anak bangon na! Paghihintayin mo ba forever si Zed sa baba?"

"uhmmmm..." Ano ba naman yan ang ingay-ingay ni Mama. Tsaka ano namang gagawin ni Zed dito ngayon eh may pasok yun? Mamaya pa naman ang pasok kong hapon, ang aga naman yata kung susunduin ako?

"Sige sasabihin ko na lang na bumalik na lang siya."

Teka si andito nga sa bahay si Zed?!

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga. "Ma!!!!!!!!!!!"

"Naku naman anak, aatakehin ako sa puso sayo eh!" Sapo ang dibdib na sabi ni Mama.

"Pakisabi na lang kay Zed hintayin ako."

Ngumiti naman si mama. "Sus. Di mo na kailangan magpaganda pa anak, maganda ka na."

"Mama talaga bolera."

Si Mama yung unang-unang nakaalam tungkol saamin. Ayun sobrang tuwa lang niya at akala mo teenager kung kiligin eh.Sa barkada naman namin? Wala pang nakakaalam sa kanila, ewan ko ba, abnormal ata ako kasi nahihiya akong sabihin maging kay Janna. At isa pa di ko rin alam kung paano sasabihin kay Scott.

Speaking of Scott di ko siya nakikita lately. Kumusta na kaya siya?

"Sige na at baka naiinip na yun." Paalam niya.

Pagkasara na pagkasara ni mama ng pinto ay dali-dali akong pumunta ng CR at naligo. Mahirap na baka amoy laway pa ako nakakahiya naman sa boyfriend ko.

Teka tama ba na tawagin ko siyang boyfriend? Kung iisipin ko kasi ang mga nakakakilig na pangyayaring yun eh wala akong maalalang sinabi nyang kami na o boyfriend ko siya. Sabi niya lang ay sa kanya na ako. Pero ganun narin naman yun di ba?

Well, whatever. Basta kinikilig parin ako!

Pagbaba ko ay nakita ko ang isang napakagwapong lalaki na nakaupo sa sala at nakangiting nakatingin sakin pero nang makalapit na ako sa kanya ay biglang kumunot naman ang noo.

"What took you so long?"

Kita mo 'to ang sungit parin. Tsk. Pasalamat siya mahal ko siya eh kundi hinampas ko na siya ng walis tambo.

"Sorry naman nagpaalam ka kasi na pupunta ka noh?" Sarkastiko ko namang sagot.

"I'm trying to call you but you're not answering."

Naalala ko naman na naka-silent ang phone ko at nasa loob pa ng drawer ko. Patay!

"A-ah ganun ba? hehe"

Napabuga siya ng hangin. "Kahit kailan talagaー"

"Kahit kailan talaga ano? Sige ituloy mo!"

"Nothing. Tara na nga."

"Teka kunin ko muna ang cellphone ko."

"Leave it. You don't need it anyway."

"Pero kasiー"

"No buts!"

"Yes Sir!"

Kailan kaya maalis ang pagkabossy ng isang 'to?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siyang igiya ako papunta sa kotse niya.

"Have you seen the news paper today?" Tanong niya pagkapasok namin sa kotse niya.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon