Is he... going to.... kiss me?
Nanigas ang katawan ako after realizing that, lalo na nang hawakan niya ang kanang pisngi ko at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin. Ilang centimeters na lang at....
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko sabay buntong hininga.
Natulala ako.
Akala ko ba hahalikan niya ako? What the hell? Bakit di niya tinuloy?
"Damn. What are you doing to me..." sabi niya habang ganun parin ang posisyon namin.
Huh? Ano daw?
"Ha?" Wala naman akong ginagawa sa kanya ah? Siya nga 'tong paasa! Akala ko pa naman hahalikan niya ko eh! Psh!
Inangat niya ang ulo niya at tumigin uli sa mga mata ko. "Wala. Dummy."
I stared back at him in disbelief. "Ano bang—"
"When I said nothing I meant nothing. Okay?"
"Ano ba ka—"
Hinarang niya naman ngayon ang daliri niya sa lips ko. "And one thing, don't go for a swim at the beach today."
Tinabig ko ang kamay niya. "At bakit naman ha?"
"Baka ma-polute ang dagat eh kawawa naman ang mga isda."
Sinamaan ko siya ng tingin.
Bwisit talaga ang lalaking 'to! Wala ng ibang ginawa kundi ang pag-tripan ako!
"Ewan ko sayo!!!!" Sigaw ko sa kanya saka padabog na lumabas ng elevator na naka-hold pala.
"Grrrrr!!" Nakakairita! Nakakainis! Nakakagalit!
Kalma Sophie... Kalma...
Inhale. Exhale.
"Hey Sophie!!!" Tawag sakin nung tatlong babae kanina.
Kailangan ko pa bang alamin ang mga pangalan nila?
Madilim na at nagkakasiyahan na sila. May music at pagkain na inihanda, meron ding mga beer. Well, college students na eh kaya pinayagan ang beer, pero light lang siyempre dahil may nagbabantay parin na admin staff samin eh.
"Hi." I greeted them casually.
Lumapit naman silang tatlo sakin. Balak ko pa namang puntahan si Janna at Mica. "Tara let's swim!"
At hayun kinaladkad nila ako sa beach. Medyo nakakatakot tingan ang tubig dahil gabi pero sanay rin naman ako sa night swimming dahil madalas akong isama ng family ni Janna.
"You're going to swim like that?" sabi nung babaeng maikli ang buhok.
Npatingin naman ako sa suot ko. Naka-shorts ako at naka-white t-shirt, pero nakasuot naman ako ng two piece sa pan-ilalim.
"Yes?" sagot ko. Wala kasi talaga akong guts mag-two piece lang eh.
The girl with a curly hair rolled her eyes. "No you're not. C'mon take it off."
"Ha? Eh kasi—"
"No buts!" Sabi niya at pinagtulungan nila akong hubaran ng short at t-shirt.
"Yan. That's more like it."
Di ko din ma-gets kung anong trip ng mga babaeng 'to eh. Feeling ko tuloy na-rape ako. Tsk.
"Di ako sanay eh."
"Okay lang yan. Gabi naman ang besides wala naman ang mga boys dito." sabi naman nung maputi na babae at hayun kiladkad nanaman ako papunta sa tubig.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Teen FictionA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...