"Ano na naman bang kalokohan 'to Zed?"
Hindi na ako nakatiis kaya kinaladkad ko siya sa garden para kausapin habang si Mama abala sa pagluluto na tinutulungan naman Papa.
"Kalokohan? Ano naman ang kalokohan sa sinabi ko?"
"C'mon Zed, sabihin mo na lang kung ano nanamang kalokohan 'to at kailangan mo pang damay ang parents ko. I told you I don't like lying to them."
"So kalokohan lang ang tingin mo sa mga sinabi ko?"
Seryosong seryoso siya sa sinasabi niya kaya lalo akong nahihirapang alamin kung ano ba talaga ang totoo. Kung kalokohan niya na nanaman ba ito o seryoso at totoo ang mga sinabi niya?
Pero kasi, ang hirap naman paniwalaan eh. Imposible. Besides he is a good actor, isn't he?
"Eh ano pa nga ba? Kilala kita at alam kong isa nanaman 'to sa kalokohan mo."
"Pero kapag si Scott ang nagsabi hindi kalokohan ang tingin mo?"
I sighed. "Pwede ba wag mong idamay si Scott dito."
Nakakainis talaga siya, ano nanamang problema nito at sinasali niya sa usapan si Scott?
"Okay fine. Kung kalokohan ang tingin mo dun, so be it."
He looked at me with a cold expression. "Kuya Alex will be arriving next week so I need you to act as my girlfriend again, but it's okay if you don't want to. You can just say no..... if you want me to sue you."
Nag-init bigla ang ulo ko. Sabi ko na nga ba at may dahilan nanaman kung bakit niya ginagawa ito.
"You can't be serious! Tapos na tayo diyan!"
I know na napakababaw ng dahilan para kasuhan niya na lang ako basta-basta but knowing how rich this darn guy is, siguradong kayang-kaya niyang gawin 'yon.
"I'm dead serious Sophia Villamor."
"You can't---"
"Mga anak pasok na, ready na ang dinner." Tawag ni mama mula sa pintuan ng bahay.
"Sige po Tita!" Sagot naman ni Zed at agad tumalikod sakin.
"Zed!"
Nilingon niya ako pero natigalan ako nang makita ang mga mata niya. He's looking at me with a pained expression.
"Let's eat dinner for now, masarap magluto ang mama mo."
What's with that look? Bakit parang pati ako nasaktan ng makita siyang ganun?
This is so unfair.
Pabagsak akong nahiga sa kama. Di ko parin talaga alam kung ano ang gagawin ko. Habang kumakain ng dinner kanina ay masayang nakikipagkwentuhan si Zed kay Mama at Papa na para bang wala lang sa kanya yung naging takbo ng usapan namin kanina. Ang galing niya talaga umarte, sarap niyang awardan ng best actor eh.
Nakakainis talaga!
Hindi ba pwedeng si Pia na lang? Bakit ako pa? Di pwede ang ginagawa niyang 'to eh, matagal ng tapos ang kasunduan namin dati bakit binabalik niya na naman?
At paano ako makaka-move on sa kanya kung magkukunwari nanaman akong girlfriend niya? Napaka unfair niya talaga, i hate him for being so mean and insensitive.
"Haaayyy..."
Pero bakit ganito? Kahit na magmukha pa siyang pinakamasamang taong nakilala ko ay siya parin ang mahal ko?
I just hate this.
At 'yong tingin niya kanina...
Argghhh!! I don't get him. Masisiraan ako ng bait sa lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Ficção AdolescenteA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...